Pelikula ni Paolo Contis na ‘Dear Satan’ papalitan ng title?

Pelikula ni Paolo Contis na 'Dear Satan' papalitan ng title?

ISANG open letter ang inilabas ng producer ng upcoming film ni Paolo Contis na “Dear Sata” matapos itong ulanin ng batikos mula sa mga netizens.

Hindi kasi bet ng madlang people ang napiling title para sa pelikula kaya naman marami ang nagpakita ng disgusto para sa paparating na pelikula.

Nitong Biyernes, August 23, naglabas ng official statement ang Mavx Productions, Inc. kung saan humihingi sila ng paumanhin kung anuman ang hindi magandang nadulot ng kanilang pelikulang pagbibidahan ni Paolo.

“It was never our intention to hurt or disrespect anyone’s religious beliefs. Our aim has always been to create content that entertains while conveying meaningful messages,” saad ng Mavx Productions.

Baka Bet Mo: Lolit Solis hinihintay ang pangakong cellphone ni Paolo Contis

Explain ng produksyon, ang konsepto ng “Dear Satan” ay ang i-explore anf tema ng kabutihan laban sa kasamaan habang ipinapakita ang pagiging inosente ng isang bata na ginagabayan ng kanyang pananampalataya sa Panginoon.

“The concept behind “DEAR SATAN” was conceived with the goal of exploring the theme of good versus evil, showcasing how an innocent child, guided by faith and the goodness of the Lord, can resist temptation and embody the virtues of righteousness,” paliwanag nila sa konsepto ng movie ni Paolo.

“The film is a narrative about the power of faith and the triumph of good over evil. We wanted to illustrate that, despite the presence of evil in the world, faith and virtue can prevail,” pagpapatuloy pa niya.

Ngunit bilang respeto sa mga manonood, napagdesisyonan nila na baguhin na lamang ang titulo ng kanilang pelikula.

“We believe this change will help align the film more closely with its moral core and ensure that it resonates positively with our audience,” sey pa nila.

Inaanyayahan naman nila ang madlang people na panoorin pa rin ang kanilang pelikula nang may bukas na isip.

Read more...