KALAT na ngayon sa social media ang video ni Sen. Jinggoy Estrada kung saan makikita na tila nakikipagtalo ito sa isang babae.
Ayon sa mga netizens, ang ang pinagsimulan raw ng argumento ng dalawa ay ang pagpipilit ng senador na makipag-usap sa mga residente na naapektuhan ng sunog sa Barangay Bartis noong April.
Nagtungo raw si Sen. Jinggoy sa evacuation center para sabihin sa mga residenteng namamalagi roon na magbibigay siya ng tulong pinansyal.
Ngunit hindi raw pumayag ang babaeng nasa video na makausap ng mga representative ng senador ang mga apektadong residente kaya siya ang nakipag-usap dito.
Baka Bet Mo: Jinggoy Estrada umalma sa isyu ng ‘victim blaming’, may promise kay Gerald
Giit ng babae, alanganing oras na ng gabi ngunit nagpupumilit pa raw ang grupo nina Sen. Jinggoy.
Dahil nga hindi pumayag ang babae na makausap ng representative ng senador ang mga residente ay mismong siya na ang nakipag-usap rito.
Makikita sa viral video na nagkakainitan na sina Sen. Jinggoy at ang babae.
Napag-alaman na ang babae ay isang opisyal ng San Juan.
Maririnig pang sabi ng babae kay Sen. Jinggoy, “Porke senador kayo?”
Nakarating naman sa senador na nagba-viral na ang kanyang video na nakikipagtalo sa babae at naglabas ng opisyal na pahayag.
Tila ipinapalabas raw kasi na ginagamit niya ang kapangyarihan bilang senador .
“Opo, ako po ay senador at ginagamit ko ang posisyong ito para makatulong lalong-lalo na sa mga taga-San Juan na kinalakihan ko at hindi ko hahayaan na mapigilan ako na makiramay sa mga nangangailangan sa panahong kailangang-kailangan nila ng tulong,” saad ni Sen. Jinggoy.
“Ang pagpapalabas at pagpapakalat ng mapanirang TikTok video ay malinaw na malinaw na may bahid pulitika. Kung bakit ngayon ito ipinakalat, tanging ang mga nasa likod nito ang siyang makakasagot,” dagdag pa niya.
Wala pa namang inilalabas na pahayag ang babaeng kausap ni Sen. Jinggoy sa video.