EMOSYONAL pero punong-puno ng pag-asa ang batikang aktres na si Deborah Sun matapos mag-open up tungkol sa pinagdadaanan niya sa kalusugan.
Sa kanyang interview vlog with veteran broadcaster Julius Babao, ibinunyag ni Deborah na na-diagnose siya ng stage 2 colon cancer.
“Nung hiniling ko talaga kay Lord, sabi ko sa kanya nung nalaman kong cancer, ‘Lord, sana po kung hindi man benign, sana stage one or two lang’ — binigay naman Niya. Sabi ko pa sana hindi na ako mag-chemo, oral chemo lang ‘yung gamot, binigay naman Niya,” kwento ng aktres.
Kasunod niyan ay lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga kaibigan niya sa showbiz industry, pati na rin sa ilang pulitiko na nagbibigay ng tulong para sa kanyang pagpapagaling.
“‘Yun pa lang na matibay ka sa pagsubok na binigay sa’yo, blessing na ‘yon,” wika niya.
Baka Bet Mo: Aiko may rebelasyon tungkol kina Ara Mina at Deborah Sun; mas tumindi pa ang pagmamahal kay Jay Khonghun
Patuloy pa niya, “Sabi nila para akong walang sakit, e yakang-yaka ko ‘to e. Ibinigay sa akin ni Lord ito kasi alam niyang kaya ko — kaya binigay niya itong pagsubok na ito.”
Nang tanungin naman siya kung ano ang naging reaksyon niya nang malaman niya sa unang pagkakataon na mayroon siyang cancer.
Ang sagot niya na tila biglang naging emosyonal, “Natakot talaga ako kasi naisip ko agad ‘yung mga anak ko.”
Inilarawan din niya ang mga pinagdaanan niya sa gitna ng pagkakaroon ng cancer, “Mahirap syempre una ‘yung financial.”
“Like I said kanina, kung hindi niyo ako tinutulungan, baka wala na ako… Mahirap magkasakit kung wala kang pera talaga,” aniya pa.
Sa kabila ng kanyang health condition, sinabi ni Deborah na pwede pa rin siyang magtrabaho at masaya raw niyang tatanggapin sakaling may i-offer na proyekto sa kanya.
Nabanggit din niya ang kanyang pasasalamat sa “Batang Quiapo” dahil nabigyan siya ng role.
Sa panayam, ang aktres ay nakatanggap ng relogious figurine ni St. Ezekiel Moreno, ang patron saint ng cancer patients.
Bukod diyan ay binigyan din siya ni Julius ng P30,000 cash.