NAGLABAS ng pahayag ang abogado ni Angelica Yulo na si Atty. Fortun hinggil sa kumakalat na screenshot mula sa kanyang social media post na may kinalaman sa pamgyayari sa pagitan ng pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Pagbabahagi ng abogado, na-hack ang kanyant Facebook account noong Linggo, August 18, ng hindi pa makikillang individwal.
Dahil rito ay may mga impormasyon mula sa account ni Fortun ang nakalabas sa social media na patungkol sa pamilya ng atleta.
Sa kanyang Facebook post ay dinabi niyang nakuha ng hacker ang access sa sensitibong usapan nila ng mga members ng pamilya Yulo sa kanyang messenger.
Baka Bet Mo: Carlos Yulo super in love kay Chloe: Grabe! Napakaganda mo mahal ko!
“TO THE PUBLIC:At a little past 10:30pm of Sunday, August 18,2024, an unknown individual/s gained access to my Facebook account and was able to scroll through certain sensitive conversations I have with the Yulo family on Facebook Messenger. It is regrettable that certain facts appear to have been divulged to the public,” saad ni Fortun.
Agad nga niyang pinalitan ang password ng kanyang account upang maiwasan na ang pangyayari.
Sa ngayon ay gumagawa ng hakbang si Atty. Fortun para malaman kung sino ang salarin na nag-hack sa kanyang account.
“I have reset the passwords to my Facebook account to deter similar incidents from occurring. I am also taking current steps to determine the identity/ies of the perpetrators.,” lahad ni Atty. Fortun.
Matatandaang kumalat ang chika tungkol sa mensahe umano ni Carlos na magkita sila ng ama ngunit matapod ang ilang araw buhat ng kanyang pag-uwi ay hindi pa rin ito nangyayari sa kabila ng ilang beses na pagtawag umano sa binata.