HINARAP ni Sen. Jinggoy Estrada ang akusasyon sa kanya ng netizens at ilang personalidad na naging “harsh” at “tough” siya kina Sandro Muhlach at Gerald Santos.
Ito’y konektado pa rin sa isinagawang Senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media kung saan tinalakay nga ang umano’y panghahalay at pang-aabusong seksuwal sa dalawang aktor.
Inireklamo ni Sandro ang dalawang GMA 7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz dahil sa panggagahasa umano sa kanya ng mga ito sa isang hotel noong July 21, 2024.
Binalikan naman ni Gerald ang pangre-rape raw sa kanya ng isang musical director noong 2005. Aniya, 15-anyos pa lamang siya nang maganap ang insidente.
Baka Bet Mo: Karen sa sexual abuse hearing: Stop victim blaming, you are not gods
Nitong nagdaang Lunes, August 19, parehong humarap sina Sandro at Gerald sa nasabing Senate hearing na pinangunahan nina Sen. Robin Padilla at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.
Dahil umano sa style ng pagtatanong ni Sen. Jinggoy sa dalawang binata ay binatikos siya ng mga netizens. Para raw kasing idinidiin pa ng senador ang mga biktima sa naganap na hearing kaya inakusahan siya ng “victim blaming.”
Isa sa mga matatapang na personalidad na pumuna sa ginawa ni Sen. Jinggoy sa pagdinig ay ang news anchor na si Karen Davila. Hindi niya diretsahang binanggit ang mga pangalan ng senador sa hearing pero naniniwala ang halos lahat ng nakabasa nito na patama ito sa aktor at politiko.
Ani Karen sa kanyang X account (dating Twitter), “To our lawmakers, Stop victim blaming. Treat victims with compassion and sensitivity.
Baka Bet Mo: Jake Ejercito, Jinggoy Estrada tanggap ang pagkakaiba ng pananaw sa politika
“Reliving a traumatic experience is horrific, more so in a public hearing. Stop barraging, asking ‘why did it take you 5 years? You should’ve filed a complaint immediately.’
“Victims are scared. They feel ashamed. And this kind of public shaming will not help victims to come out.
“Let me remind our senators, you serve the people. You are not gods. Do not act like it,” aniya pa.
Dumepensa naman si Sen. Jinggoy sa isyung ito nang humarap siya sa “Kapihan Sa Senado” public briefing ngayong araw, August 22.
Natanong siya ng, “On the hearing about sexual abuse sa showbiz industry, may mga criticism the way you handled the hearing last Monday. May open letter po si Karen Davila, appealing lawmakers to stop victim blaming and treat victims with compassion and sensitivity. Would you like to comment on that?”
Sinagot ito ng senador sa pamamagitan ng inihanda niyang statement, “I understand that my recent questionings in the senate hearing gave the public impression of me being harsh, insensitive, and apathetic.
“It was never, never my intention to victim blame or humiliate those who have come out to disclose the tragic realities happening in the movie industry or the entertainment industry, but rather to address a systemic issue that has been hurting our artists workers.
“My passionate approach which did not sit well with the public monitoring the proceedings, stems from a deep frustration that this problem have persisted for years,” esplika niya.
Dagdag pa ng veteran actor, “Parte po ako ng industriyang ito kaya alam ko na matagal na po itong nangyayari at patuloy na nangyayari.
“Pero takot lumantad ang mga biktima, mahihiyang magsalita. Ang mga isyung ito ay pabulong lamang na pinag-uusapan.
“Wala po akong intensiyon na balewalain ang nararamdaman ng mga biktima ng pang-aabuso, sexual abuse or sexual harassment.
“Ngunit bilang parte ng industriyang ito, hindi ko kukunsintihin ang ginawa ng sinasabing may awtoridad o kapangyarihan sa industriya.
“In fact, I condemn all forms of violence regardless of gender particularly in this industry where abuses, katulad ng sinasabi ko na, have been ongoing for so long.
“Alam niyo, kung ang kapalit ng bashings na ipinupukol sa akin o ang galit ng publiko ay para mas patuloy na pag-usapan ang usapin ng pang-aabuso sa mga maliliit na artista o kasamahan sa industriya, o para mas magkaroon ng mas malawak na kamalayan at pagkilos laban sa pang-aabuso, hindi lamang sa entertainment industry kundi pati na rin sa iba’t ibang sektor, ay malugod ko pong tatanggapin,” litanya pa ni Jinggoy.
Samantala, nabanggit naman ng senador na hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang pagkabwisit sa kanya ng netizens.
“Mukhang naputol kasi yung video footage noong nagkaroon kami ng executive session, wherein tinawag ko pa nga si Gerald Santos and we spoke, talked to him candidly. Then I asked him what was his plan.
“Sabi niya, he wanted to file a case after nineteen years. So he even went up to my office, he even thanked me, sinabi ko naman na tutulungan ko siya.
“Kasi sabi niya, hindi raw niya afford yung attorney’s fees. Sabi ko naman, ‘Sige, I’ll be willing to help you,'” aniya.
Sabi pa ni Jinggoy nakapagtaas daw siya ng boses sa kaso ni Sandro dahil sa abogado nito, “Doon naman sa kaso ni Sandro, when I asked Sandro to narrate what happened, pinigilan siya ng abogada niya.
“Doon ako medyo na-off dahil all the while, I thought Sandro was already willing to narrate everything that transpired during that tragic evening.
“So, medyo napagalitan ko yung abogada ni Sandro for giving… for me, it’s a wrong move na hindi niya hinayaang ilantad yung mga pangyayari.
“Pero sa akin naman, kung hindi na mahalaga for public consumption yung kanyang sasabihin, I will let him stop,” depensa pa ng senador.