Mga motoristang walang RFID, kulang ang balanse pagmumultahin na

Mga motoristang walang RFID, kulang ang balanse pagmumultahin na

NAG-ANUNSYO ang Toll Regulatory Board o TRB na magpapatupad na sila ng multa para sa mga motoristang walang mga RFID stickers o walang sapat na load na dadaan sa toll gates sa expressways simula August 31, 2024.

Sa isang pahayag ay sinabi ni TRB spokesperson Julius Corpuz na ito ay bilang paghahanda sa kanilang transition sa cashless transactons na target masimulan sa October 2024.

Inilabas nila ang Joint Memorandum Circular No. 2024-001 sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na nilagdaan noong Agosto 1.

Base sa naturang memo ay dapat nang mag-apply ng electronic toll collection device gaya ng RFID tag ang mg motorista at ilagay ito sa kanilang mga sasakyan at tiyaking sapat ang balance nito para mabayaran ang toll fees.

Ang mga mahuhuling papasok sa tollway na walang RFID sticker ay magmumulta ng P1,000 para sa unang paglabag. Sa pangalawang offense naman ay magmumulta ng P2,000 at P2,500 naman sa ikalawang paglabag.

Baka Bet Mo: Mahigit 500 sasakyan nakabitan ng RFID stickers sa Navotas

Layunin ng bagong memo na maging mas maayos ang daloy ng traffic sa mga toll plaza upang matulungan rin ang mga motorista na makatipid sa oras at pera.

Kakaunti na lamang at halos nasa 9% na lang angm ga motoristang walang RFID o walang sapat na balanse at 91% naman na ang nakakasunod na motorista.

Samantala, papayagan naman ang mga motorista na walang RFID na dumaan ngunit may marshal o deputized traffic enforcer na mag-i-issue ng show cause order (SCO) at aalamin kung maari bang mabigyan ng pagkakataon na i-refute ang kanyang violation.

Read more...