NAGING inspirasyon sa maraming netizens ang recent Facebook post ng ex-housemate ng Pinoy Big Brother Otso at content creator na si Lie Reposposa.
Ito ay matapos niyang ibandera ang pag-unlad ng kanyang buhay sa pamamagitan ng ipinost na “room tour” video, pati na rin ang throwback picture na ipinapakita ang itsura ng dati niyang tinitirhan.
Una niyang ibinida ang room tour na ayon sa kanya ay marami ang nagre-request na gawin niya ito.
Maiksi lamang ang video na kung saan proud niyang ibinida ang interior design ng kanyang studio type condo unit, kabilang na ang ang ilang furniture at gamit sa bahay.
“So nakuha ko ‘yung ganitong style kasi dati talaga, mahilig ako mag-condo condo tapos nagre-rent lang ako tapos ‘yung renta ay P15,000 every month. Tapos naisip ko, paano kaya kung mag-save nalang ako tapos [bumili] nalang ako ng sarili ko, kaya ‘ayun ang ginawa ko,” kwento niya.
Baka Bet Mo: Lie Reposposa hirap mag-English kapag kausap ang dyowang afam: Palaban ako sa Google translate!
Kasunod niyan ay ipinagmalaki niya ang kanyang bedroom: “Ito talaga ang the best para sa akin. Sobrang ginalingan ko talaga dito guys.”
Chika niya, “Kasi ‘nung bata pa talaga ako guys, pangarap ko na talaga na magkaroon ng sariling magandang bedroom, ‘yung malaki, ‘yung malabot. Kaya ‘nung nagkapera ako, dito ko talaga in-invest lahat para mahimbing ‘yung tulog [ko].”
Nabanggit din niya riyan na plano niyang mag-upgrade at magkaroon ng mas malaking unit.
Sa hiwalay na FB post, ibinunyag ni Lie na dati pa niyang pinangarap na magkaroon ng sariling bahay.
“20 years old pa lang ako pero obsession ko na talaga ang magkaroon ng sariling bahay at mas mapa-improve pa ang aming buhay [white heart, house emojis],” caption niya, kalakip ang before and after photos ng kanyang bahay.
Sa comment section, marami ang bumilib at humanga sa sipag at tiyaga ng content creator.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Wow small room but beautiful..good luck and god bless [folded hands, red heart emojis].”
“Wow ang ganda naman Idol”
“You’re an inspiration Lie, lalo na sa mga kabataan now dahil sa sipag mo alam ko di lang ‘yan ang mararating mo… ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan… miss na kita mapanood kumanta sa TV.”
“Congrats bb Lie…buti kapa may sarili ng bahay at natupad mo na pangarap mo [green heart emojis].”
“Happy to see your success Lie [green heart emoji] Always be thankful sa mga narating mo [green heart emoji].”