Maria Ozawa napaamin kung bakit sila naghiwalay ni Chef Jose Sarasola

Maria Ozawa napaamin kung bakit sila naghiwalay ni Chef Jose Sarasola

Maria Ozawa at Jose Sarasola

NAGPALIWANAG ang Japanese sexy actress na si Maria Ozawa kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng Pinoy chef at aktor na si Jose Sarasola.

Binalikan ni Maria ang naging journey ng pag-iibigan nila ng kanyang ex-boyfriend na nagsimula sa Pilipinas kasabay ng pagpapaliwanag sa rason kanilang breakup.

Kuwento ng aktres sa episode kahapon ng “Fast Talk With Boy Abunda”, napakarami niyang natutunan at realization sa naging relationship nila ni Jose, kabilang na ang aniya’y makulat at exciting na Filipino culture.

Baka Bet Mo: Chef Jose Sarasola, Maria Ozawa naghiwalay dahil sa COVID-19 pandemic: Hindi naman messy yung breakup

“I think he understood more about Japanese culture. I understand more about his culture, which is Filipino culture.


“Which is good but which was hard also because everything is different, in relationship-wise or business-wise,” paliwanag ng Japanese sexy actress at dating adult video star.

“It was just hard to blend in,” dagdag pang paliwanag ni Maria Ozawa na napapanood ngayon sa Kapuso series na “Pulang Araw.”

Maayos naman daw ang paghihiwalay nila ni Chef Jose at ipinagdiinan na walang third party involved sa desisyon nilang tapusin na ang kanilang love story.

“Actually it wasn’t anything bad at all because I went back to Japan because of the pandemic.

Baka Bet Mo: David Licauco shookt nang makaharap sa taping si Maria Ozawa

“And when I went back that time I didn’t know when I could come back to the Philippines and there’s no way any foreigners would be able to come to Japan,” lahad ni Maria.

Dagdag ng dalaga, “So it was just like a mutual decision and we talked about it and we decided to break up ’cause we didn’t see any future, I mean like we didn’t know what to do about it.”


Sa isang panayam kay Jose, inamin niyang naging isyu sa kanila ni Maria ang hirap ng long distance relationship noong kasagsagan ng pandemic.

Limang taon ding tumagal ang relasyon nina Maria at Jose hanggang sa maghiwalay na nga noong 2022.

Kuwento pa ni Jose, una silang nagkita ni Maria noong pumunta ang aktres sa pag-aari niyang bar and the rest as they say, is history na.

Read more...