Mababang grades (2) | Bandera

Mababang grades (2)

Joseph Greenfield - November 10, 2013 - 02:07 PM

Sulat mula kay Teresa, ng San Francisco, Surigao del Norte
Problema:
1. Mababa ang grades ko sa kursong Tourism at nababahala na ako. Dahil dito, wala na akong siglang mag-aral. Napuna ko na pahirap nang pahirap ang mga eksamen at halos wala na akong naisasagot. Gusto ko nang mag-shift ng kurso. Naglalaro rin sa isip ko na kapag ganito ang grades ko ay dapat huminto na ako sa pag-aaral at maghanap na lang ng kahit anong trabaho.
2. Payuhan ninyo ako kung tama ang mga balak ko. Kung lilipat ako ng kurso, anong kurso naman? Dito sa Mindanao ay mahirap makatagpo ng maganda at permanenteng trabaho ang undergraduate. Susuwertehin kaya ako sa abroad? Ang birthday ko ay Mayo 21, 1994.
Umaasa,
Teresa, ng San Francisco, Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mo (Illustration 2.) ang nagsasabing bagay na bagay naman sa iyo ang kurso mo, kaya hindi ka dapat mag-shift o mag-iba ng kurso. Maraming isinilang na naging tagumpay sa nasabing career at sila ay nakapagtapos ng pag-aaral.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing kung halimbawang nakatapos ka na, tuklasin ang mas mataas pang pag-aaral.
Graphology:
Pansining tila umaangat pataas ang iyong lagda. Ito naman ay tanda na ngayon palang nasasagap na ng unconscious mong isipan ang pangingibang bansa. Mangyayari pagkatapos mong mag-aral, may mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Upang magkaroon ka ng inspirasyon at ‘wag nang tamarin sa pag-aaral, tulad ng nasabi na sa Palmistry at Cartomancy, kailangan mong mag-karoon ng boyfriend at bukod sa boyfriend na makakatulong upang matapos mo ang iyong pag-aaral, ugaliin mo ring magsuot ng kulay na asul, violet at pula. Sa ganyang paraan, ang magagandang pag-aanalisang tinuran sa itaas ay kusa ng matutupad sa iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Teresa, ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat gawing pagbabago sa kasalukuyan, kundi ang makipag-boyfriend sa isang kaklase mo rin. Sa ganyang paraan, tiyak na ang magaganap, lilipas ang mga dalawa o tatlong taon, ganap ka nang makatatapos ng pag-aaral.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending