Bongbong Marcos nagsalita na sa isyu ni Alice Guo: May mananagot!

Bongbong Marcos nagsalita na sa isyu ni Alice Guo: May mananagot!

NAGLABAS ng pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungkol sa pagtakas sa banda ng dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa inilabas niyang official statement ngayong araw, August 20, sinabi niyang mananagot kung sinuman ang tumulong sa dating alkalde na makalabas sa bansa.

“The departure of Alice Guo has laid bare the corruption that undermines our justice system and erodes public trust,” saad ni Pangulong Bongbong sa kanyang mga social media platforms.

“Let me be clear: Heads will roll,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos inilipat sa August 23 ang Ninoy Aquino Day

Sinabi rin ni Pangulong Bongbong na ibabandera nila sa publiko kung sinu-ausino ang mga taong nagtraydor sa sariling bansa.

“We will expose the culprits who have betrayed the people’s trust and aided in her flight.

“A full-scale investigation is already underway, and those responsible will be suspended and will be held accountable to the fullest extent of the law,” sey pa ni Pangulong Bongbong.

Dagdag pa niya, walang espasyo sa gobyerno ang mga ganitong klaseng pag-uugali.

“There is no room in this government for anyone who places personal interest above serving the Filipino people with honor, integrity and justice,” giit pa ni Pangulong Bongbong.

Ayon sa mga lumabas na ulat, huli raw itong namataan sa Indonesia.

Read more...