Isa pang biktima ni Juan Miguel Severo lumantad sa publiko

Isa pang biktima ni Juan Miguel Severo lumantad sa publiko

Therese Arceo - August 20, 2024 - 11:59 PM

Isa pang biktima ni Juan Miguel Severo lumantad sa publiko

UMAMIN na ang isa pa umanong naging biktima ng pang-aabuso ng manunulat na si Juan Miguel Severo.

Ang paglantad ng biktima ay naganap matapos ang naging anunsyo ng spoken word poetry artist sa social media sa kanyang nalalapit na comeback sa pagtatanghal sa Caloocan City ngayong August 30.

Buong tapang na inihayag ni “@joummlnsn” nitong Sabado, August 17 sa X (dating Twitter) ang mga screenshots ng kanilang pag-uusap noon ni Juan Miguel.

Naganap ang pang-aabuso sa Aklan noong April 2017.

Baka Bet Mo: BL series actor Paolo Pangilinan nagsalita na sa isyu nila ni Juan Miguel Severo

Nagka-match kasi sina Juan Miguel at si @joummlnsn sa isang dating app at dahil super fan siya ay nagpadala siya agad ng message para ipahayag ang kanyang paghanga.

Makikita rin sa naturang screenshots ang pamimilit ng manunulat kay @joummlnsn na ang pagkakaalala niya lang ay mag-uusap o magha-hang out sila ngunit doon na nangyari ang pananamantala sa kanya.

“In case anyone forgot, Juan Miguel Severo is a sexual opportunist. I was one of his victims. Today, I’m coming forward. He was 28 at that time, and I was 16,” saad ni @joummlnsn.

Pagpapatuloy niya, “With his recent desperate attempt to salvage his career, he cannot simply walk away freely from us, his victims.”

Bago ang naging paglantad ni @joummlnsn ay una nang umamin ang aktor na si Paolo Pangilinan sa pamamagitan ng kanyang sunud-sunod na cryptic posts sa social media.

Nagkasama sina Paolo at Juan Miguel sa series na “Gaya Sa Pelikula”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos ang naging kontrobersiya ni Juan Miguel ay pinutol na ng Words Anonymous ang kanilang koneksyon sa dating miyembro.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksyon si Juan Miguel hinggil sa mga isyung kinakaharap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending