Vice Ganda proud na proud kay Ana Ramsey: Ang galing-galing mo

Vice Ganda proud na proud kay Ana Ramsey: Ang galing-galing mo

NAGPASALAMAT ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa isa sa mga dating hosts ng “Showtime Online U” na si Ana Ramsey.

Sa nagdaang selebrasyon ng “Showtime Online U” kahapon, August 19, nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat at appreciation ang TV host-comedian sa lahat ng bumubuo ng naturang online show.

“Malaking bagay ang ginagawa niyo sa amin to keep the audiences online, hindi umalis ‘pag commercial break… Malaking bagay ang nanonood sa atin online at kayo ang nagki-keep no’n,” saad ni Vice Ganda.

Dagdag pa niya, “Tinutulungan niyo ang programang ito na mabuhay. Sa maraming pagkakataon ng paghihingalo, nandyan kayo kahit hindi gano’ng kalaki ang sweldo.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Lassy nag-ala Carlos Yulo at Chloe San Jose, celebs tawang-tawa

Kasunod nito ay ang mensahe niya para sa isa sa mga pioneer hosts ng “Showtime Online U” na ngayon ay kabilang na sa vatiety show ni Willie Revillame na “Wil To Win” na ipinalabas noong July 2024.

“Sa inyong lahat, sa mga nagsimula, kay Ana Ramsey, maraming maraming salamat. You’ve been so good. Ang galing-galing mo kaya magpakagaling ka d’yan, at papalakpakan ka namin. We are rooting for you, Ana Ramsey,” bahagi ni Vice Ganda.

Samantala, sinagot naman ni Ana ang mensaheng ipinaabot sa kanya ng “It’s Showtime” host sa X (dating Twitter).

“Happy Anniversary Showtime Online Universe! @itsShowtimeNa love you ate @vicegandako (Vice Ganda),” caption ni Ana.

Sa video ay maririnig ang kanyang pasasalamat at pagbati sa mga dating kasamahan.

“Sa ‘Showtime Online U’ host [at sa mga] bumubuo ng ‘It’s Showtime,’ binabati ko po kayo ng happy anniversary. Salamat for thinking of me on this special day,” sey ni Ana.

“Kapamilya man o Kapatid, isa lang naman ang gusto natin—ang makapagpasaya ng bawat Pilipino saan mang sulok ng mundo,” she added. “Maraming salamat po. I love you, Meme [Vice Ganda]. I love you all.”

Read more...