AGAD na tinanggal ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ang isang staff sa pag-aari niyang Baluarte Zoo na sumampal umano sa alaga nilang lion na si King.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si King ay ang male white lion na nag-viral kamakailan kung saan makikitang sinisipa raw ng caretaker para umayos sa picture-taking ng mga turista roon.
Ayon sa mga reklamo ng mga animal welfare advocates, partikular na sa Animal Kingdom Foundation (AKF), base sa kumalat na video at litrato sa social media minamaltrato raw ng caretaker ang leon upang mas maging maganda sa nagpapa-selfie na turista.
Bukod dito, makikita rin daw ang paghila sa buntot kay King at pagsipa sa binti ng hayop.
Baka Bet Mo: Chavit kay Carlos: Kausapin mo pamilya mo, ‘wag mo na silang pahirapan
Nakausap ng BANDERA si Gov. Chavit sa grand opening ng bagong branch ng kanilang BBQ Chicken resto sa Festival Mall, Alabang, at nagbigay nga siya ng reaksyon hinggil sa isyu ng umano’y animal maltreatment sa pag-aaring Baluarte Zoo sa Ilocos Sur.
“Hindi naman totoo ‘yun. Ang lion mukhang inaantok kasi talagang puyat ‘yang mga ‘yan ‘pag gabi sumisigaw, nagsisigawan sila. Kaya talagang inaantok ‘yung mga lion.
“Pero ‘yung lalaki na sabi nila na sinampal niya, pinatanggal ko agad. Hindi lang…isa ‘yung mortal sin sa Baluarte, sa akin ‘yan kapag may nagmaltrato ng hayop.
“Pero ang sabi niya laro lang naman niya ‘yun. Hindi naman niya sinaktan,” pahayag pa ni Manong Chavit.
Pero kumusta naman ‘yung iba pa nilang alagang hayop doon? “Mabuti naman lahat sila. Awa ng Diyos wala pang kinakain na tao,” ang natawang biro ng dating politiko.
Nauna rito, ni-repost din ng aktres na si Nadine Lustre sa kanyang Instagram Story ang post ng AKF tungkol kay King. Aniya sa caption, “You probably don’t know this but most of the time, big animals in zoos are drugged or physically threatened so they stay calm enough so people can take photos with them.”
Sey pa ng premyadong aktres, mas magiging masaya ang mga hayop kung nasa labas at hindi nakakulong at ginagawang entertainment.
Naglabas na rin ng official statement ang pamunuan ng Baluarte Zoo patungkol sa isyu.
“We sincerely apologize for this incident and the distress it has caused. Please know that we are committed to making the necessary changes to ensure that our zoo remains a place where animals are treated with the utmost care and respect.
“We are aware of the recent videos circulating online that show unacceptable mistreatment of one of our lions at Baluarte Zoo.
“We want to assure the public that we take this matter very seriously,” mababasa sa updated at bagong opisyal na pahayag nila nitong Linggo, Agosto 18.
“Effective immediately, the employee involved has been terminated. Baluarte Management, Hon. Luis Chavit Singson, and our entire team are committed to the highest standards of animal care and will not tolerate any behavior that compromises the well-being of the animals in our care.
“We are taking steps to ensure that such incidents do not happen again and are reinforcing our commitment to the humane treatment of all animals at Baluarte Zoo. Thank you for your understanding and continued support.”