Napaso ka na ba…paano ba ito lulunasan agad-agad?
NA-HEADLINE kamakailan ang pagkamatay ng 2-anyos na lalaki matapos ma-shoot sa kaldero ng kumukulong batchoy sa Carles, Iloilo.
Na-confine sa ospital ang batang taga-Barangay Pantalan, dahil sa tinanong fourth degree burn ngunit namatay din makalipas ang ilang araw.
Nagtitinda raw ng pagkain ang ina ng bata na si Jeanette Gallardo habang naglalaro ang anak sa kanyang likuran. Bigla na lang daw siyang nagulat nang mahulog ang anak sa kaldero na nasa sahig.
Baka Bet Mo: Unang kaldero ni Diwata sa paresan binili ni Boss Toyo ng P3k kahit butas na
“Nabigla ako na bumagsak siya. Nakita ko siya nakaupo na sa kaldero na may sabaw. Kaagad ko siyang binuhat at humingi ng tulong,” ani Jeanette.
Agad namang isinugod sa ospital ang kanyang anak ngunit binawian din ng makalipas ang halos isang linggo.
Siguradong bukod sa pumanaw na batang lalaki, marami pang mga nabibiktima ng burns o lapnos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kaya naman naglista kami ng ilang paraan na maaari n’yong gawin kapag may nagtamo sa inyo ng burns, sunog o lapnos mula sa ilang health websites.
Ang paso ay isang uri ng injury na kadalasang nakukuha kapag nadidikit ang balat sa mainit na bagay. Pwede kang mapaso ng dry heat (burn) katulad ng mainit na plantsa, o kaya ay ng mainit na liquid (scald) na katulad ng kumukulong tubig.
Baka Bet Mo: Hipon Girl nasurpresa sa malaking pera galing kay Wil…
Pwedeng gamutin sa bahay ang ilang karaniwang kaso ng paso, lalo na kung minor lang, pero kung malubha naman ito, kailangang dalhin agad sa ospital ang pasyente para sa tama at agarang treatment at maiwasan ang impeksyon.
Mga Uri Ng Paso
1. First-degree burn ang pinaka-minor na uri ng paso. Ang pinakaibabaw lamang na bahagi ng skin (epidermis) ang apektado. Isa sa uri ng first-degree burn ay ang sunburn at pagkapaso sa mainit na bagay.
2. Second-degree burn naman ay umaabot na sa dermis o sa pangalawang layer ng balat. Kadalasan itong nagdudulot ng paltos o blister.
3. Third-degree burn ang pinakamalalang uri ng paso, na umaabot na sa layer ng fat sa ilalim ng skin. Minsan ay nasisira ang mga nerve sa ganitong uri ng paso, kaya halos wala nang nararamdamang pananakit ang pasyente kahit matindi na ang injury.
Kadalasan, kapag magaling at natuyo na ang paso, hindi na ito papawisan at tutubuan ng buhok. Kumakapal din ang napasong balat kapag gumaling na ito.
Gamot Sa Paso
*Ilayo o tanggalin sa pasyente ang bagay na nakapaso sa kanya para mapigilang magtuluy-tulo ang injury.
*Alisin ang damit, alahas, at iba pang mga bagay na malapit sa nasunog o napasong bahagi ng katawan upang hindi makasagabal kapag nagsimula na ang pamamaga.
*Gumamit ng maligamgam na tubig para palamigin ang napasong bahagi sa loob ng 30 minutes. Huwag na huwag gagamit ng yelo dahil pwede itong makadagdag sa pinsala sa tissue sa paligid ng paso.
*Patuyuin ang napasong bahagi at pahiran ng petroleum jelly o gentle moisturizer at takpan ng malinis na cling film. Iangat ang apektadong bahagi para mabawasan ang pamamaga.
*Huwag paputukin ang balat kung sakaling magpaltos dahil magsisilbi itong proteksyon laban sa impeksyon. At kapag naman kusang pumutok ang paltos, hugasan ang balat gamit ng malinis na tubig.
Samantala, kapag umabot ang injury sa second at third-degree burn, tumawag agad ng ambulansya o isugod na ang pasyente sa ospital. Narito ang ilang sitwasyon kung saan kailangan na ng medical attention ang mga paso.
*Kung ang paso ay dulot ng mga kemikal o kuryente
*Kung ang paso ay nasa mukha o malapit sa ari
*Kung ang paso ay nasa lalamunan at daluyan ng hangin
*Kung ang paso ay nasa mga major joint na katulad ng tuhod o siko
*Kung sobrang laki ng bahaging napaso
kung malalim ang paso, kahit na walang nararamdamang pananakit ang pasyente
kung parang leather ang itsura ng balat na napaso
*Kung nahihirapang huminga ang pasyente
*Hindi gumagaling ang paso o paltos pagkalipas ng 2 o 3 linggo
*Nakararanas ng senyales ng impeksyon, katulad ng matinding pananakit, pamumula, pamamaga at pagkakaroon ng nana ng apektadong bahagi nakakaranas ng karagdagang sintomas katulad ng lagnat
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.