Xian Gaza ibinuking kung paano nakatakas ng Pinas si Alice Guo

Xian Gaza ibinuking kung paano nakatakas ng Pinas si Alice Guo

Xian Gaza at Alice Guo

NAGKAKAGULO ngayon sa Senado dahil sa balitang nakalabas na raw sa Pilipinas ang tinanggal na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Ini-report ito ni Sen. Risa Hontiveros na ayon sa kanyang intel ay wala na sa bansa ang mayora noon pang Hulyo 18 patungong Kuala Lumpur, Malaysia at nakipagkita sa pamilya nito sa Singapore.

Nabanggit naman ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat ipaliwanag ng Bureau of Immigration kung paano nakalabas ng Pilipinas ang na-dismiss na mayor ng Bamban.

Baka Bet Mo: Alice Guo nilayasan na ang Pinas gamit ang Chinese passport, paano nangyari?

Samantala, may opinyon naman ang lalaking Marites na si Xian Gaza at ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook account na umabot na sa 22,000 engagements at 1,900 shares habang sinusulat namin ang artikulong ito.


Ayon kay Xian ay naniniwala siyang walang kinalaman ang Bureau of Immigration sa pag-alis ni Guo sa bansa.

Aniya, “Kahit ilang milyon pa ang ibayad ni Mayor Alice sa isang Immigration Official, walang papayag na ipuslit siya palabas ng bansa kasi takot silang lahat sa Senate hearing.

“Very high profile fugitive. Sasabit at sasabit sila diyan. Magkaka-record din kasi ang airline na sinakyan niya with a lot of CCTV footages sa airport. Hindi talaga uubra yung option na ‘yun,” lahad ni Xian.

Ang panininwala pa niya, “Ang nangyari diyan eh, nag-hire ‘yan ng Malaysian fishing vessel sa Tawi-Tawi tapos tumawid siya papuntang Sabah. Pagdating sa Kota Kinabalu, may contact yan na Malaysian immigration officer para gawan siya ng entry records sa database.

Baka Bet Mo: Mikee Quintos nawalan ng passport habang nasa South Korea, hindi agad nakauwi ng Pilipinas

“Pinalabas lang nila na sa Kuala Lumpur International Airport siya lumapag kahit hindi naman talaga.


“Yun ang dahilan kung bakit nag-appear ‘yung Philippine passport number niya tapos no image available kasi hindi naman talaga siya lumanding sa KLIA. May Malaysian passport na talaga yan. Nabibili yun for 3 million pesos.

“From Kota Kinabalu International Airport eh lumipad siya ng Singapore pero pag-landing niya sa SG eh Philippine passport ‘yung pinresent niya kasi mayayari siya sa biometrics.

“From Changi Airport, dumiretso na yan ng China. Pag-landing niya doon, Malaysian passport ang pinresent niya with a different name. Untraceable na siya ngayon,” pambubuking pa ni Xian kay Guo.

Opinyon pa ni Xian ang intel na nagparating kay Sen. Riza ng details ng pagkawala ni ex-mayor Alice ay sa mismong mayora rin galing.

“Yung nagpasa ng intel sa NBI at kay Senator Risa Hontiveros ay si Mayor Alice din mismo.

“Kailangan kasi niyang paniwalain ang lahat na Philippine passport pa rin ang gamit niya hanggang ngayon para magkanda leche-leche ang imbestigasyon ng Philippine authorities,” saad ni Gaza.

Anyway, ipinagpipilitan naman ng abogado ni Mayor Guo na nandito pa rin sa bansa ang kanyang kliyente kaya’t hinamon siya ng mga mambabatas na palutangin ang nasabing mayor.

Read more...