Chikang may boyfriend daw si Bimby at iniyakan ni Kris fake news

Chikang may boyfriend daw si Bimby at iniyakan ni Kris fake news

Kris Aquino, Bimby Aquino-Yap at Ogie Diaz

DUMAAN sa feed namin ang Facebook account na “Showbizfinds” dahil may mga nakita kaming mga fake news na naka-post doon.

Tulad na lang nitong tungkol kay Bimby Aquino, ang bunsong anak ni Kris Aquino na kasalukuyan pa ring nasa Amerika at patuloy na nagpapagamot at nagpapagaling.

Ang titulo ng artikulo ay, “KRIS Aquino, NAPAIYAK sa PAG-AMIN ni BIMBY tungkol sa BOYFRIEND nito!”

Baka Bet Mo: Kris, Mel nag-date sa fast food: Walang basagan ng trip…ang sarap maging normal person

Kaya namin ito pinansin ay sa dahilang alam naman ng lahat na may sakit si Kris pagkatapos ay may ganitong isyung lalabas na alam namang peke.


At ang nakalulungkot ay maraming naniniwala sa post na ito ng nasabing FB account.

Mula sa netizen na si Yollie Ramos Salapong, “Wag kau manghusga ng tao, may sariling kaisipan yan kahit gay xa. Duon xa masaya kaya wag natin xa husgahan..Maging masaya nlng kau dahil malakas ang loob nya na aminin na gay xa at may bf xa.”

Gayun din ang netizen na si Rea Limin, “Kung ano kapalaran ng anak tanggapin ng maluwag sa puso hindi naman natin maibibigay ang kaligayahan nila.”

Hirit ni Susan Casas, “BAMBI INLOVE WITH A WRONG TIME.”

Baka Bet Mo: Boy Abunda sa engagement ni Kris: I am happy because she is happy

Say ni Clarita Bautista, “Just accept Bimby’s preference in his life you cannot give all his happiness just pray to god to help you whatever he wanted to be.”

Halos lahat ay iisa ang tema ng mga nagkomento mula sa 200 netizens na anuman ang nagpapasaya ngayon kay Bimby sana ay irespeto. Okay sana kung totoo kaso hindi naman.

Sa nasabing post ay larawan nina Bimby at ng content creator na si Ogie Diaz ang nakalagay kaya ipinadala namin ito sa huli para kunan ng reaksyon pero hindi pa niya kami sinasagot.

Read more...