Jinggoy na-bad trip, inakusahan ng rape ni Sandro kulong sa Senado

Jinggoy na-bad trip, inakusahan ng rape ni Sandro kulong sa Senado

NA-BAD trip na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kay Jojo Nones, isa sa mga inireklamo ng sexual assault ni Sandro Muhlach sa National Bureau of Investigation at sa Department of Justice.

Feeling ng aktor at senador ay patuloy na nagsisinungaling ang writer at independent contractor ng GMA 7 kahit pa under oath siya sa isinasagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.

Ngayong araw, muling humarap si Nones at ang isa pang inireklamo ni Sandro na si Richard Cruz, sa Senate hearing na pinamumunuan ni Sen. Robin Padilla kasama si Sen. Jinggoy at iba pang senador.

Nahaharap sa kasong rape through sexual assault at acts of lasciviousness ang dalawang akusado ngunit pareho nilang itinatanggi ang mga paratang si Sandro.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nasa detention cell pa rin ng Senate of the Philippines si Nones dahil sa umano’y patuloy nitong pagsisinungaling.

Baka Bet Mo:Niño inilantad ang palitan ng text ni Sandro at ng 2 inireklamong writer

Nagdesisyon si Estrada na i-cite for contempt si Nones dahil itinanggi nitong inalok nila ni Cruz ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach na magbibigay sila ng donasyon sa charitable institution na pipiliin ng aktor, kapalit ang kapatawaran sa ginawa nila kay Sandro.

Base sa salaysay ni Niño, nangyari ang alok nina Cruz at Nones nang magharap sila sa bahay ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes.

Ngunit tigas pa rin sa pagtanggi si Nones. Dito na inilabas ni Estrada ang affidavit na may lagda ni Gozon-Valdes.

“I was asking you a while ago if you offered Mr. Niño Muhlach financial contribution to any charitable institution of his own choice and you denied it,” ani Estrada.

“Now, here comes the affidavit signed by Atty. Annette Gozon-Valdes who, I think, this person is very credible, saying that you did offer financial contribution to any charitable institution of his choice. What can you say?” sabi ng senador.

Sagot ni Nones, “Your honor, upon review po of the affidavit po of Miss Annette Gozon, nowhere in the affidavit na she mentioned po that there was an offer of settlement your honor and in fact, she mentioned only the donation to the charitable institution after she put, after the paragraph, where she said that Mr. Niño Muhlach came from the previous scheduled charity event so it supports our statements earlier your honor.”

Binasa ni Estrada ang affidavit ni Gozon-Valdes, “That Mr. Jojo Nones mentioned in that meeting that if Mr. Niño Muhlach would want, they can donate to a charitable instituition of Mr. Niño Muhlach’s choice.

“That Mr. Niño Muhlach declined. That Mr. Niño Muhlach stated that he wants to pursue the HR case against Jojo Nones and Richard Cruz,” sey pa niya sabay sabing, “O maliwanag na maliwanag dito sa affidavit na nagsisinungaling ka.”

Sagot ni Nones, “Hindi po, your honor, kasi ang context po…” pero bigla siyang kinontra ni Estrada, “Paanong hindi ka nagsisinungaling? I was asking you , did you offer any financial contributions to any charitable institution?”

Sagot ni Nones, “No offer po of settlement your honor.”

Pahayag ni Estrada, “I did not ask if it’s a settlement or not! The only question I am asking you is that if you offered financial contribution. I did not say it’s a settlement! You are putting words into my mouth.”

Kasunod nito, nagalit na ang senador at naghain siya ng mosyon para i-cite for contempt si Nones, “Mr. Jojo Nones, naiintindihan ninyo po ba yung mosyon na kayo po ay patawan ng contempt?”

Tugon ng akusado, “Opo, your honor. Pero with all due respect po, your honor, nag-e-explain lang po ako.” At binoldyak na nga siya ni Estrada, “Nagsisinungaling ka na, e.

“Alam mo, Jojo, hindi kita kilala kahit matagal na ako sa showbiz. Hindi kita kilala pero huwag naman ganoon.

“We are here trying to know the truth, ferret out the truth. Kapag patuloy kang nagsisinungaling dito sa amin, talagang isa-cite ka namin ng contempt.

“Maliwanag na maliwanag dito sa affidavit, maliwanag na maliwanag na sinabi ni Sandro, may drugs pa na involved, may sexual harassment na involved.

“Hindi pa nga sexual harassment, assault, e. Pinagsamantalahan ninyo yung bata, pinag-take ninyo ng drugs, tsaka ninyo pinagsamantalahan.

“That is drug induced sexual assault. Kawawa naman yung bata. Pinag-drugs ninyo na, hinalay ninyo pa,” diin pa niya.

Walang kumontra sa sinabi ni Estrada kaya idineklara ni Committee on Public Information and Mass Media chairperson Sen. Padilla na, “There is a motion to cite Mr. Jojo Nones in contempt. Without any objection, the motion is approved. So ordered.”

Ang sumunod na eksena, dinala ng mga sergeant-at-arms ng Senado si Nones sa detention cell.

Read more...