MARAMI pa palang aabangan na Spider Man-related movies ngayong taon!
Magugunitang naipalabas na noong Pebrero ang “Madame Web,” habang ang huling pelikula ng “Venom” ay mapapanood na sa Oktubre.
At bukod diyan, looking forward din ang fans sa “Kraven the Hunter” movie!
Para sa mga hindi aware, si Kraven ay isang iconic villain sa Marvel Cinematic Universe (MCU) at isa sa mga matinding kalaban ng ating friendly neighborhood na si Spider-Man.
Ang bibida sa bagong movie ay ang English actor na si Aaron Taylor-Johnson.
Baka Bet Mo: LIST: Mga pwedeng i-‘movie marathon’ ngayong Agosto
Ayon sa Columbia Pictures, ang setting nito ay bago pa niya maging kalaban ang superhero na si Spider-man.
Ibig sabihin, ipapakita riyan kung paano nagsimula at nabuo ang isang sikat na kontrabida.
“Kraven the Hunter is the visceral, action-packed origin story of how and why one of Marvel’s most iconic villains came to be.
“Aaron Taylor-Johnson plays Kraven, a man whose complex relationship with his ruthless father, Nikolai Kravinoff (Russell Crowe), starts him down a path of vengeance with brutal consequences, motivating him to become not only the greatest hunter in the world, but also one of its most feared,” saad sa inilabas na synopsis.
Ang istorya ng pelikula ay base sa Marvel Comics at mula sa direksyon ni J.C. Chandor.
Bukod kay Aaron, makakasama niya sa upcoming movie ang ilan pang Hollywood stars tulad nina Ariana DeBose, Fred Hechinger, Alessandro Nivola, Christopher Abbott at Russell Crowe.
Ang “Kraven the Hunter” ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa darating na December 11.