HINDI pa rin talaga tumitigil ang mga modus kahit ilang beses na silang ibinandera ng ilang celebrities.
Recently lamang, inanunsyo ng veteran broadcaster na si Korina Sanchez na may isang indibidwal na nagkukunwaring siya upang makahingi ng donasyon umano sa mga biktima ng nakaraang pananalasa ng bagyong Carina.
Sa pamamagitan ng Instagram, ipinakita ni Korina ang isang “notice to the public” at sinabing huwag magbibigay ng pera sakaling mag-message sa kanila ang scammer.
Nabanggit din niya na nag-report na siya sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa insidenteng ito.
“Someone has been texting people I know, asking for telephone numbers of other people I know,” sey ng batikang newscaster.
Baka Bet Mo: Korina Sanchez babandera sa BNC: And now…back to the news!
Patuloy niya, “A QR code is being sent supposedly to donate to Typhoon victims.”
“THIS IS NOT ME. Do not respond. Do not give,” panawagan niya pa sa kanyang mga kaibigan at followers.
Ani pa ni Korina, “They’re now being reported to the NBI Cybercrime Unit.”
Sa comment section, maraming netizens ang nag-aalala dahil talamak ang mga modus ngayon.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Grabe na talaga ngayon. Left and right ang lamangan which is sad.”
“Grabe mga ibang tao ginagamit ang iba para makapangloko ng kapwa, ‘di marunong maawa.”
“Oh my…they are now using the accounts of personalities [shocked emoji]”
“Basta may nagme-message na manghiram ng pera alam ko na scam kahit gamit pangalan ng friends & relatives ko. “
Magugunitang ilan lamang sa showbiz personalities na nagbabala laban sa scammers ay sina Max Collins, Roberta Tamondong, Jolina Magdangal at Antoinette Taus.
Ginamit din ang kanilang identity para rin makahingi ng donasyon sa typhoon victims.