GF ni Carlos barag na naman, dapat daw tularan dyowa ni EJ Obiena

GF ni Carlos barag na naman, dapat daw tularan dyowa ni EJ Obiena

EJ Obiena, Caroline Joyeux, Carlos Yulo at Chloe San Jose

HINDI maiwasang maikumpara ng mga netizens ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose sa dyowa ni EJ Obiena na si Caroline Joyeux.

Ibang-iba raw kasi ang dalawang girlalu sa pagpapakita ng suporta sa kani-kanilang partner noong kasagsagan ng pakikipagbakbakan ng mga ito sa katatapos lamang na 2024 Paris Olympics.

Puring-puri ng mga netizens ang pagsuporta ni Caroline na isang German athlete at triple jumper sa boyfriend niyang si EJ na nagtapos sa 4th spot ng men’s pole vault finals sa Paris Olympics.

Baka Bet Mo: DonBelle may rebelasyon sa pagganap bilang Bingo at Caroline sa ‘CBML’

Grabe ang pagkadismaya at panghihinayang ni EJ dahil muntik na rin siyang makapag-uwi ng Olympic medal. Ngunit sa kabila nito, nakatanggap pa rin siya ng mainit na pagbati mula sa mga Pinoy.


At bukod nga kay EJ, puro positibong komento rin ang natanggap ng kanyang girlfriend na si Caroline dahil sa pagiging supportive partner nito at never din daw itong umeksena at umepal sa pakikipaglaban ng boyfriend sa Olympics.

Pinusuan at ni-like na sandamakmak na netizens ang kanyang Instagram video kung saan makikita kung paano niya sinuportahan si EJ sa laban nito.

At dahil nga rito, naikumpara si Caroline kay Chloe na binabatikos ngayon dahil sa pang-aagaw daw niya ng eksena sa journey ng Pinoy gymnast at two-time Olympic gold medalist na si Carlos.

Baka Bet Mo: EJ Obiena inakalang ibu-boo sa paglaban sa Asian Games: ‘It was definitely opposite of what I expected’

Hindi kasi nagustuhan ng ilan nating mga kababayan ang pagbuntot-buntot ni Chloe sa boyfriend habang nasa Paris Olympics bukod pa sa nagalit sila sa dalaga dahil siya pala ang naging dahilan ng alitan ni Carlos at ng inang si Angelica Yulo.

“Good to hear all out SUPPORT not ALL Out CONTROL like other athletes.”

“The quiet strength and support of EJ. Danke [Thanks] Caroline!”

“Congratulations EJ! You’re more than a gold medalist with such stunner of a partner!”


“Better and much decent.”

“She knows her place! Congrats to both!”

“Ganito ang mga gf ng mga athletes ang simple pero napakaganda at hindi uhaw sa attention.”

“She is beautiful and we’ll mannered, unlike the agua oxinada gurl.”

“I never saw her with EJ, only when he posted it, she knows her place. She’s pretty!”

“Humble and lowkey couple.”

Read more...