Vivamax star Jenn Rosa matindi ang pinagdaanan sa life: Ulila na po ako

Vivamax star Jenn Rosa matindi ang pinagdaanan sa life: Ulila na po ako

Jenn Rosa, Aerol Carmelo at Jonica Lazo

HINDI na kami magtataka kung ang susunod na makakakuha ng korona at titulo bilang Vivamax Queen ay ang palaban din sa hubaran na si Jenn Rosa.

Ilang beses na naming nakachikahan sa mga presscon ng kanyang pelikula ang dalaga na malaki ang pagkakahawig kay GMA Primetime Queen Marian Rivera.

In fairness, bukod sa kanyang ganda at kaseksihan may ibubuga rin sa aktingan si Jenn kaya sigurado kami na malayo pa ang mararating niya bilang artista.

Baka Bet Mo: Gretchen handang ilantad ang ebidensya laban kay Bato tungkol sa e-sabong; senador rumesbak

Naniniwala rin kami na pwede rin siyang makatawid sa mainstream tulad ng mga original Vivamax Queen na sina Angeli Khang at Robb Guinto na parehong napanood sa Kapuso hit series na “Black Rider.”


Muli naming nakachikahan si Jenn kamakailan sa presscon ng latest movie niya sa Vivamax, ang “Backrider” kung saan napaamin siya sa matitinding pinagdaanan niya in the past, kabilang na ang kanyang pagkasawi sa pag-ibig.

Pero nakiusap ang dalaga na huwag muna itong pag-usapan, “Sa ngayon, may tamang time para sa lahat kasi gusto ko rin talaga na i-share yon at maka-inspire.

“Grabe yung pinagdaanan ko sa life, pero hindi ako naging bitter.

“Ginamit ko siya as purpose sa kung ano yung puwede kong magawa sa mga naranasan ko at maka-inspire sa mga tao na, ‘Guys, kaya natin ang lahat ng mga pagsubok sa life,’” pagbabahagi pa ng Vivamax Bombshell.

Sa tanong kung gaano kabigat ang mga naranasang pagsubok sa buhay, “Wala na akong family. Ulila na ako. Kamamatay lang ng kapatid ko noong 2022. Dalawa lang kaming magkapatid, so yun ang mabigat.”

Naitanong din ng entertainment writer at talent manager na si Jojo Gabinete kay Jenn kung ano ang meaning ng mga tattoo niya sa kaliwang braso.

Sey ni Jenn, pinagsisisihan niya ang pagpapa-tattoo sa pangalan at mukha ng dating karelasyon, “Ang kuwento talaga niyan, name at mukha siya ng ex-boyfriend ko. Pinatakpan ko na ang tattoos nang maghiwalay kami.

Baka Bet Mo: Faith Da Silva nakita ang sarili sa ama; lumikha ng ‘imaginary father’

“Masaya siya kasi marami akong natutunan, nagmahal ako, maaga akong natuto. Malungkot kasi hindi lahat nagtatagal. Nagsisi ako.


“Sana wala na lang akong tattoo. Pero actually, dito rin ako nare-recognize ng mga tao. Minsan, yung mukha ko hindi nila nakikilala, pero nakikilala nila ako dahil sa tattoo ko.

“So, feeling ko, ito yung nakadagdag sa pagiging unique ko, yung tattoo ko,” ani Jenn na nagdesisyong patungan na lamang ng koi fish at bulaklak na chrysanthemum ang mukha at pangalan ng ex-dyowa niya.

“Koi fish dahil lucky at chrysanthemum dahil lucky flower ko. Nagpalagay rin ako sa likod ng geisha tattoo na professional entertainer ang meaning. Naghanap ako ng magandang tattoo, gusto ko may meaning.

“Puwede naman akong maging professional entertainer kasi sa mga artista, parang professional entertainer na rin kami,” aniya pa.

Samantala, paano nga ba malalaman kung tunay ngang nasa likod mo ang taong nangako ng pagmamahal sa ‘yo?

Sa pelikulang “Backrider” ni direk Bobby Bonifacio Jr., magkakaroon ng trust issues ang isang dalaga na magtuturo sa kanyang umasa lamang sa sarili.

Si Jenn Rosa ay gumaganap bilang si Faith, isang masahista na nagbibigay rin ng “happy ending” para kumita nang mas malaki. Nag-iipon sila ng kanyang nobyo para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Si Aerol Carmelo ay si Raymond, ang nobyo ni Faith. Kinumbinsi niyang umalis na sa massage parlor si Faith at mag-solo na lang bilang masahista.

Siya pa mismo ang magdadala kay Faith sa mga kliyente. Ang totoo ay gustong gamitin ni Raymond ang pera ni Faith para sa bisyo niyang crypto.

Dito makikilala ni Faith si Dave, ang unang lalaking tumanggi ng extra service ni Faith dahil ayon sa kanya ay nirerespeto niya ito. Namangha naman si Faith sa pagka-gentleman ni Dave, na ginagampanan ni Chad Alviar. Mayaman at gwapo rin ang binata.

Samantala, nabisto ni Faith ang pagwawaldas ni Raymond sa kanilang ipon. Sa pahihiwalay ng dalawa, magkakarelasyon sina Faith at Dave.

Mukhang mas maganda ang buhay ni Faith sa piling ni Dave, pero may bago siyang matutuklasan tungkol dito at kay Raymond.

Puno ng galit sa kasalanan ng dalawa, tunghayan kung paano gaganti si Faith sa kanila.

Streaming na ngayon ang “Backrider” sa Vivamax kaya watch na!

Read more...