Kaye Abad hindi takot malaos, walang regrets na nanirahan sa Cebu

Kaye Abad hindi takot malaos, walang regrets na nanirahan sa Cebu

Kaye Abad, Paul Jake Castillo kasama ang 2 anak, Paolo Contis at Patrick Garcia

WALANG nararamdamang pagsisisi ang Kapamilya actress na si Kaye Abad sa naging desisyon na iwan ang showbiz para bumuo ng sariling pamilya sa Cebu City.

Ayon kay Kaye, talagang kasama sa mga naging top priority niya noon ang magpakasal at magkaroon ng mga anak kaya hindi siya nagdalawang-isip nang mabigyan siya ng pagkakataong tuparin ang kanyang pangarap.

Ilang taon na ring naninirahan ang aktres sa Cebu City, ang hometown ng kanyang asawang aktor at businessman na si Paul Jake Castillo. Kasama nila roon ang dalawang anak na sina Pio Joaquin at Iñigo.

Baka Bet Mo: Kaye Abad gusto munang karirin ang pagiging nanay, babalik lang sa showbiz kung…

Sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila kay Kaye na mapapanood sa YouTube vlog nito, sinabi ng aktres na masayang-masaya siya ngayon sa buhay nila ni Paul Jake sa probinsiya mula noong lisanin niya ang showbiz.


Pero aniya, never naman daw niyang kinalimutan ang showbiz, pansamantala lang siyang nagpahinga para pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

Sa katunayan, nakagawa pa siya ng pelikula kamakailan lamang, ang Netflix film na “A Journey” kasama ang kanyang “Tabing Ilog” co-stars na sina Patrick Garcia at Paolo Contis.

“Never akong nag-dalawang-isip (manirahan sa Cebu) ’cause it was really my dream to have my own family as early as 18.

“Sabi ko when I’ll have my own family, I think I’ll stop acting ’cause I want to concentrate with my family. So, at least ngayon, hindi naman ako nag-stop. I’m still here. Nag-lie low lang,” paliwanag ni Kaye.

Natanong naman ni Karen si Paul Jake kung nami-miss ba niya ang buhay-showbiz, “No, every time na sasabihin ko na parang tama na siguro.

Baka Bet Mo: Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

“I mean, you don’t get to be at the top tier anymore. So, I’m like, okay na siguro ito. I’m going back to business.

“One of us had to quit showbiz. Baka mag-hiwalay kami. Daming showbiz nag-hiwalay. Joke lang!” ani Paul Jake sabay tawa.

Pagpapatuloy ni Kaye, “I love it here in Cebu. Very laidback, simple life.” Siya raw ang naggo-grocery, naghahatid sa mga anak sa school at nakakapag-mall din daw siya roon na parang ordinaryong tao.


“‘Yung buhay na pinangarap ko, natupad lahat dito. So, pagiging motherhood, pagiging housewife, natupad lahat. Hindi ako artista dito,” aniya pa.

Hindi rin daw siya natatakot na mawala ang kanyang popularidad dahil sa tagal niyang nawala sa showbiz. Tanggap na raw niya sakaling wala nang nakakakilala sa kanya.

“Mas tahimik. Walang issue. Walang nangingialam,” pahayag pa ni Kaye.

Read more...