Jericho Rosales umamin, nililigawan si Janine Gutierrez: We’re going out

Jericho Rosales umamin, nililigawan si Janine Gutierrez: We're going out

NAGSALITA na ang aktor na si Jericho Rosales hinggil sa tunay na estado sa pagitan nila ng aktres na si Janine Gutierrez.

Sa ibilabas na ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, August 13, inamin ng aktor sa kanyang interview na nasa dating stage ma sila ng aktres.

“Yes, we’re going out,” pag-amin ni Jericho.

Bukod pa rito, inilahad niyang ine-enjoy niya raw ang bawat pagkakataon na magkasama sila ni Janine.

Baka Bet Mo: Jericho Rosales basted kay Kathryn kaya pinormahan si Janine?

Isiniwalat rin ni Jericho na noong una ay sumali siya sa cast ng “Lavender’s Fields” dahil bet nito ang prduksyon ngunit hindi niya akalaing may iba pa palang dahilan bakit ito sumama sa proyekto.

“I first decided to join the project because I was really, really so into the production team and everyone and then I realized I was so into her,” saad ng aktor.

“She’s an amazing person, very sweet, very kind, very funny, and very dedicated, very good actress,” dagdag pa ni Jericho.

Aniya, nagkakasundo rin sila sa mga trip nilang gawin sa buhay at nag-e-enjoy siya sa estado nila.

“We’ll see, we shall see. You expect good things about it. It’s really, really nice and happy … things are great. There’s no negativity around,” sey ni Jericho.

Pagpapatuloy pa niya, “It’s fun, you gotta enjoy this fire, flame, whatever it is.”

Bago pa man ang naging pag-amin ni Jericho ay ilang beses na rin silang nakitang magkasama ng madlang pipol sa labas kaya marami ang naghinala kung ano ang meron sa pagitan nila.

Read more...