Chloe San Jose nagseselos sa coach-therapist ni Carlos Yulo?

Chloe San Jose nagseselos sa coach-therapist ni Carlos Yulo?

Chloe San Jose, Carlos Yulo at Hazel Calawod

MARAMING nagtataka kung bakit hindi pino-post ng ating 2024 Paris Olympics double gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang therapist na si Hazel Calawod.

Na-interview pa mismo ng “TV Patrol” si Hazel bilang isa sa mga taong malaki ang naitulong sa mind conditioning ng ating atleta.

Wala man lang kaming nabasang nagpapasalamat si Caloy sa kanyang coach gayung malaki rin ang naitulong nito sa kanya.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

Tsinek namin ang Instagram posts ni Caloy at may mga nakita kaming na tsinetsek siya ng kanyang coach.

May ni-repost pa siyang kuha ng network na nag-eensayo habang binabantayan ng training coach sa kanyang Facebook account.


‘Yun nga lang karamihan ng post niya sa dalawang social media account ay puro ang girlfriend niyang si Chloe ang kanyang kasama.

Heto pala ang siste, may nalaman kami mula sa sports writer na tinanong yata si Caloy kung bakit wala sa mga socmed post niya si coach Hazel pero umiling lang daw ang binata.

Walang sagot si Caloy pero base sa kuwento sa amin ng sports writer ay ang girlfriend daw niya ang namamahala ng kanyang social media accounts at malakas ang tsikang nagseselos umano ito kay coach Hazel.

Baka Bet Mo: Hugot ni Robb Guinto: Ang hirap kasi sa ibang tao, ‘pag nakita ang isang Pinay na may kasamang foreigner, ang tingin agad pokpok, nangunguwarta lang’

Hindi pa namin alam kung ano ang itsura ni coach Hazel hanggang sa napanood namin ang panayam niya kay Gretchen Fullido sa “TV Patrol” kamakailan lang at oo nga, kaselos-selos naman pala talaga ang magandang coach ni Caloy.

Ang ending, tsinek din namin ang Instagram account nitong si coach Hazel na ang IG account ay @lyn.hazel_ at nakalagay ay Exercise | Sports | Travel | Mental Health, Harvard-certified Human Factors Specialist, Data Scientist (MIT) at Sports Therapist.

Bukod dito ay isa rin siyang commercial model at may mga nagawa na ring print ad at higit sa lahat, may mga indie movies din siya.

At higit sa lahat, certified single. Kaya alam na this.


Sakto namang nadaanan din namin ang post ng lalaking Marites na si Xian Gaza. Aniya, “TSISMIS FROM VERY RELIABLE SOURCE:

“Hindi daw pinapayagan ni Chloe na i-post ni Carlos Yulo yung coaching team niya kasi daw ayaw nitong masapawan. Kaya pala silang dalawa lang palagi ang ina-upload ni Caloy. Nagseselos pala si Chloe.”

Dagdag pa, “Thank you for inspiring our Olympic gold medalist, Coach Hazel. Pasensya na kung hindi ka niya maipagmalaki. Don’t worry, proud ako sa ’yo.”

Read more...