READY na ang abogado at stand-up comedian na si Edward Chico na dalhin ang kanyang sariling tatak sa mas malawak pang audience ngayong siya na ay isang Ka-Viva.
Yes, pumirma na nga ng kontrata ang kilalang political analyst na si Atty. Ed sa Viva Artists Agency (VAA) upang mas mapalawak pa ang reach ng kanyang pagiging komedyante.
Si Atty. Ed ay gumawa ng pangalan sa mundo ng stand-up comedy. Nagdala siya ng katatawanan sa pamamagitan mga soldout shows at pagho-host ng ilang corporate events.
Baka Bet Mo: ‘Totoo nga ang tsismis…nakaka-tense, nakakaloka, nakakanerbiyos at ang saya-sayang sumali sa Family Feud!’
Siya ang co-founder ng Insanithink, isang comedy troupe na kilala para sa kakaiba nitong tatak sa thinking comedy. Kilala rin si Atty. Ed bilang miyembro ng Comedy Cartel, isang pioneer sa point-of-view stand-up comedy ng Pilipinas.
Bukod doon, dala-dala niya pa rin ang kanyang kaalaman sa batas tuwing magkakaroon ng appearance sa TV at radio shows bilang isang legal expert.
Siya rin ang host ng radio show na “Tanggol Karapatan” na umeere sa Radyo Veritas. Isa rin siyang law professor, bar lecturer, at consultant sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Handa na si Atty. Ed na magdala ng katatawanan at kaalaman sa mas marami at mas malawak na audience bilang bagong miyembro ng Viva Artists Agency.
Kuwento ng abogado, mismong si Boss Vic del Rosario raw ang nag-offer sa kanya para maging Viva artist.
Baka Bet Mo: Ed Sheeran nag-enjoy mag-karaoke, sey niya sa Ben&Ben: Bloody brilliant!
“This is actually not part of the plan. Lawyer nga kasi ako. Until finally kinausap ko ang asawa ko and sa dynamics naming mag-asawa siya ang laging nasusunod.
“And nasabi ko kay Boss Vic na handa na ako sa mature roles,” ang natawang sabi ng abogado sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng VAA recently.
“Ang kalaban na mag-Vivamax na pangarap ko ay hindi naman pala. Sabi niya kung mag-Vivamax daw ako ang role ko abogado. So ganoon din, balewala hindi ba!?” sey pa ni Atty. Ed.
Dagdag niya, “I just want to give this a try because I’ve done a comedy because of a dare of a friend. So I did an open mic a few years ago and I got a hang of it and masarap magpatawa and then I’ve been doing it eversince.”
Samantala, aminado naman ang abogado na bilib na bilib siya sa talento ni Vice Ganda sa pagpapatawa. Aniya, kapag nga raw inaral ng TV host-comedian ang ginagawa nila sa Insanithink ay siguradong boom panis silang lahat.
Knows din daw niyang hindi lahat ay aprub sa style ng pagpapatawa ni Vice at may mga nao-offend sa kanyang punchlines pero nas marami pa rin daw ang napapasaya ng Phenomenal Box-office Star.
At dahil Viva artist din si Vice, hindi imposibleng magkaroon sila ng collab in the future.