Trigger Warning: Mentions of sexual abuse
SINO nga ba ang nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo – si Sandro Muhlach ba o ang dalawang independent contractors ng GMA 7 na inireklamo niya ng sexual harassment?
Nanindigan ang tatay ni Sandro na si Niño Muhlach na inabuso ang kanyang anak ng mga headwriter ng Kapuso Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ngunit naging matigas pa rin ang pagtanggi nina Nones at Cruz sa akusasyon ni Sandro sa pagharap nila kahapon sa hearing ng Senate committee on public information and mass media, na pinamumunuan ni Sen. Robin Padilla.
Baka Bet Mo: Lasing na empleyado matapang na nag-text sa kanyang amo: ‘Boss, I am drunk, but let me tell you this…’
Napilitang ilantad ni Niño ang isa sa mga ebidensiyang hawak nila na magpapatunay na totoo ang sinasabi ng kanyang anak hinggil sa ginawa sa kanya nina Nones at Cruz.
Isinapubliko ng aktor at dating child wonder ang palitan ng text message ni Sandro at ni Nones bago mangyari ang umano’y pang-aabuso sa kanyang anak.
Madaling araw na raw nang unang mag-text si Nones kay Sandro na hindi naman dinedenay ng dalawang writer pero ang ipinagdiinan nila never nilang inimbitahan si Sandro sa tinutuluyan nilang kwarto sa isang hotel.
“Nainsulto talaga ako noong sinabi nila sa media na si Sandro ang unang nag text eh. I’m just…that’s why I’m doing this for my son and for all the others na dumaan sa ganitong sitwasyon na walang kakayahan lumaban,” ani Niño.
Aniya, ang unang text message ni Nones kay Sandro ay sinend eksaktong 3:59 a.m. noong July 21.
“Hi, Sandro. Saw you kanina, didn’t get to say hi. Nakauwi ka na?” pagbabasa ni Niño sa hawak na cellphone.
Ang reply naman ni Sandro ay, “Sir Jojo, sorry po. Di po kita nakita kanina. Naka check-in po kami right now sa Marriott, Sir. Hope to see you soonest, Sir Jojo.”
Baka Bet Mo: 2 GMA exec na inakusahan ni Sandro ng sexual abuse umapela sa publiko
Sumagot daw uli si Nones kay Sandro ng, “Enjoy. Still partying, sino kasama mo?” Ang sabi naman daw ng baguhang young actor ay kumakain siya kasama ang mga kaibigang sina Nate at Elijah Alejo.
Narito ang sumunod na usapan sa text ng dalawa.
Nones: Be safe
Sandro: Thank you, Sir Jojo. Hope to work with you again. See you soon po.
Nones: Nabitin ako sa inom hahahaha.
Sandro: Ako nga rin po eh.
Nones: Yes, soon. Cast kita nagdi-direk ako now
Sandro: Wow, sir. Looking forward to that too.
Nones: Gusto mo ba? We have some alcohol here in the room. We can order some more.
Sandro: Saan po kayo, Sir?
Nones: Belmont Hotel, katabi lang ng Marriott.
Sandro: Sinu-sino po kayo, Sir? Hahaha.
Nones: Just me.
Hindi na raw nag-reply si Sandro sa naturang text, sabi ni Niño, “Siyempre, yung bata, nakita na siya lang mag-isa, hindi na sumagot. Natakot.”
At pagsapit daw ng 4:27 a.m., nag-text daw uli si Nones kay Sandro, “’Hahaha just kidding. But we’re wrapping up in a bit.’
“Siyempre, kahit sinong artista na baguhan, given the chance na makasama mo ang drama (people) you will take the chance dahil pagkakataon mo ‘yun i-market yung sarili mo eh. Makasama sila, maka-party mo,” sabi pa ni Niño.
Pagpapatuloy ng palitan ng mensahe nina Nones at Sandro.
Sandro: Nandyan pa ba kayo, Sir? Baka po pwedeng dumaan saglit hahahaha.
Nones: Sure, may kasama ka?
Sandro: No po, ako lang. Kabababa ko lang po sa room ng friends ko.
Nones: Oks, Belmont Hotel. 700B.
Sandro: Okay po, akyat po ako.
Pagkatapos magsalita ng aktor, sinabi ng abogado nina Nones at Crus na si Maggie Abraham-Garduque, na hindi naman dinenay ng dalawa ang una nilang pagte-text kay Sandro.
Pero pag-alma ni Niño, “Bakit niyo pinapalabas sa media na si Sandro ‘yung unang nag text?”
“Your honor, we have no…wala po kaming pinapalabas sa media na si Sandro ang unang nag text. We just mentioned that there was a message like that,” sagot ni Garduque.
Dito na sumingit si Sen, Jinggoy Estrada na isa sa mga dumidinig sa kaso, at sinabing bakit daw sa mga una nilang testimonya ay parang pinalalabas nila na si Sandro ang unang nag-text.
“It was not our intention,” depensa ni Garduque.