Blooms umangal sa napakamahal na ticket ng BINIverse: Sobra naman!

Blooms umangal sa napakamahal na ticket ng BINIverse: Sobra naman!

BINI

HINDI makatarungan para sa fans ng P-pop group na BINI ang presyo ng ticket sa “Grand BINIverse” concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga Blooms (tawag sa fans ng grupo) sa inilabas na ticket prices for “Grand BINIverse” na trending na nga ngayon sa social media.

Napansin ng netizens na tumaas daw ang presyo ng lahat ng tier ng tickets sa concert ng grupo. Ang general admission (pinakamura) ay nagkakahalaga ng P1,387 habang P11,195 naman ang VIP standing na siyang pinakamahal.

Baka Bet Mo: Rico Blanco susugal sa pagko-concert muli sa Araneta Coliseum: I’m happy to take on that risk…

“#BINI: BL♾M! Mark these dates because ticket selling for the Grand #BINIverse at the Araneta Coliseum is finally happening!


“August 29, 30, and 31, 2024 are the dates you’ve all been waiting for! Watch out for the perks that come with VIP, Patron, and Lower box tickets!” ang nakalagay sa official Twitter account ng BINI.

Reklamo ng ilang supporters ng BINI, apaka-OA naman daw yata sa mahal ng ticket prices lalo na para sa isang local production. Parang kapresyo na raw ito ng mga international stars mula sa ibang bansa.

Narito ang ilang comments ng netizens hinggil sa isyu.

Baka Bet Mo: Long working hours inireklamo ni Snooky: Minsan hindi na makatarungan!

“For a ppop group na supposedly pang masa and considering most of your fans are students? these prices are a joke. feeling kpop company kayo jan? ayusin niyo muna yung production and mga low quality merch niyo. grabe kayo manggatas sa fans, you never considered them lol.”

“On a serious note, ticket prices for bini the grand biniverse is so expensive. management themselves sets ticket prices and that the main goal should be to make ticket prices reasonable and not inflate prices. our enemy here is the mngmt and not the girls. okay?”


“There’s a whole discourse on why these are very high prices. And while I’m not saying that BINI don’t deserve to be seen, the very first red flag here that this is driven by greed from S(M) is the fact that Soundcheck is a top up and not a given with the price of VIP tickets.”

“Hindi ma-gets ng iba na local concert should be cheaper. Yung pricing nila is for international con na.”

“Wala tayo magagawa kahit ganun prices mapupuno pa din yan for sure, local nga pero sila pinaka indemand ngayon. Di sila pwede mag adjust porket maraming may hindi afford ng mas mahal na ticket marami din namang afford yan. masyado entitled mga tao ngayon ah.”

“Ganyan kayo pag international ok lng… baka nkakalimutan niyo na trabaho din nila yan… nagpakahirap sila at nagsumikap pra sumikat at kumita pra sa pamilya nila tapos babaratin niyo lng, hndi na pucho2 ang bini at bini sikat nga diba, kung walang pambili mag fancam nlng.”

Nilinaw naman ng mga umaangal na fans na hindi ang BINI ang kino-callout nila sa napakamahal na ticket kundi ang producer ng concert at ang mga taong nangangalaga sa career ng mga girls.

May nagkomento rin na baka raw dahil sa sobrang laki ng production cost kaya tinaasan ang presyo ng mga ticket sa concert.

Kayo dear BANDERA readers, agree ba kayo na hindi makatarungan ang ticket prices para sa “BINIverse”?

Read more...