2 beki na inireklamo ni Sandro ng pang-aabuso ididiin daw ng ebidensya

2 beki na inireklamo ni Sandro ng pang-aabuso ididiin ng ebidensya

Sandro Muhlach, Jojo Nones, Richard Cruz at Robin Padilla

SA kabila ng pagtanggi ng dalawang independent contractors ng GMA na hindi nila hinalay si Sandro Muhlach, may malakas daw na ebidensya na magdidiin sa kanila sa kaso.

Ito ang paniniwala nina Sen. Robin Padilla at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada matapos ang naganap na Senate committee hearing on public information and mass media ngayong araw.

Dumalo rito ang dalawang inireklamo ni Sandro ng sexual abuse na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz pati na rin ang ama ng young actor na si Niño Muhlach.

Baka Bet Mo: Vice: Pag bakla ka, ang hirap ipaniwala sa tao na mahal ka ng jowa mo!

Nagkaroon ng executive session ang dalawang senador at si Sen. Bong Revilla kasama si Niño at ang dalawang inireklamo ng sexual harassment.


“Kanina po na nag-executive session kami, nagpapasalamat po kami sa mga partido na nakausap namin at napagdesisyunan po ng kumite na tunay po na sa tingin po namin na meron pong kaukulan na dahilan para mai-file ‘yung kaso,” ayon kay Sen. Robin, ang chairman ng naturang Senate committee.

“Pero siyempre po, sa katulad po ng sinasabi namin, hindi naman po kami korte. Sa amin pong palagay, itong aming pagdinig kailangan siyempre may boses ang lahat.

“Pero doon po sa naganap na Executive Session, malinaw po na sa aming pagkakaintindi na ito po ay makakarating dapat sa dapat karatingan,” dugtong ng actor at senador.

Sinang-ayunan ito ni Sen. Jinggoy, “Based on the discussions earlier during the executive session, and of course, we cannot divulge yet the details of what transpired during the executive session.

Baka Bet Mo: Ruffa sa laiterang bashers: It’s an honor to look gay, mas type kong magmukhang bakla!

“But what we all transpired and agreed, together with Senators Revilla, Padilla, Grace Poe, and Senator Bato dela Rosa, there is a strong evidence against these two gentlemen.

“We will just withhold all the information until all the pieces of evidence that are going to be gathered by NBI are in,” sabi ni Sen. Jinggoy

Nabanggit din ng aktor at public servant na binigyan nila ang National Bureau of Investigation (NBI) ng dalawang araw para mai-submit ang lahat ng nakalap niyang ebidensiya sa Senate committee.


Nauna rito, mariing itinanggi nina Nones at Cruz ang paratang ni Sandro. Malinis daw ang kanilang kunsensiya at hindi sila mga kriminal.

“Kay Sandro, wala kaming ginawang masama sa’yo at alam mo ‘yan! Hindi pa huli ang lahat na magsabi nang totoo,” ani Nones.

“Hindi po kami gumawa ng kahit anong sexual harassment or abuse laban kay Sandro Muhlach. Sa pagkakataong ito sa harap ninyong lahat, mariing tinatanggi po namin ang lahat ng mapanirang akusasyon na ito laban sa amin,” sabi naman ni Cruz.

“Hindi naman po namin itinatanggi na bakla kami. Sa katunayan, ang pagiging bakla namin ang isa sa mga dahilan kaya kami naging creative, artistic, at nagkaroon ng skills na kailangan sa industriya.

“Buong buhay namin ginamit namin ang pagiging bakla namin sa maayos na paraan para maitaguyod ang aming pamilya.

“Kaya napakasakit sa amin at sa aming pamilya na mabasa ang aming mga pangalan online na may caption na bakla o kung anu-anong masasakit at mapanirang puri na bansag at deskripsyon.

“Bakla po kami, oo, pero hindi kami mga abuser. Bakla kami, oo, pero hindi kami gumagawa ng masama sa kapwa. Bakla kami, oo, at may takot po kami sa Diyos,” sabi ni Nones.

Read more...