JUST in time ngayong Buwan ng Wika, nagpakitang-gilas ang top athletes ng ating bansa pagdating sa national martial arts –ang Arnis.
Ito ay sa pamamagitan ng inihandog na festivity ng Korean Cultural Center (KCC) in the Philippines na tinawag na “Kicks & Sticks,” kung saan bumandera rin ang Korean martial arts na Taekwondo.
Ipinagdiriwang din kasi ngayong taon ang ika-75th years of friendship sa pagitan ng Pilipinas at Korea.
Naimbitahan ang BANDERA sa exclusive show nito noong August 8 na ginanap sa BGC Arts Center at nasaksihan namin ang mga maaaksyon at pasabog na demonstartions mula sa Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) at Kukkiwon o mas kilala bilang World Taekwondo Headquarters.
Baka Bet Mo: KCC pak na pak sa mga ‘libreng’ festivity ngayong Agosto, ano kaya ito?
Para sa mga hindi aware, ang Arnis ay hindi lang itinuturing na national martial arts dahil ito rin ang national sports ng ating bansa.
Kilala rin ito bilang “Eskrima” at “Kali” na kadalasan ay nauugnay sa paggamit ng stick, kutsilyo o kahit na anong bladed weapons.
Bukod diyan, itinuturo rin sa nasabing sports ang iba’t-ibang hand-to-hand combat at grappling techniques.
Ang Taekwondo naman ng Korea ay isa ring combat sports na may involvement hindi lang sa pagsipa, kundi pati na rin sa pagsuntok.
Ang salitang Taekwondo ay nahahati sa “tae” na ang ibig sabihin ay “strike with foot,” “kwon” na ang kahulugan ay “strike with hand” at and “do” meaning “the art or way.”
May limang paniniwala sa nasabing Korean sports at ito ay ang courtesy, integrity, perseverance, self-control at indomitable spirit.
Bukod diyan, kailangan ding matutunan ang tatlong physical skills at ito ay ang “poomsae” o demonstration of forms, “kyorugi” o sparring, at “gyeokpa” o ang art of breaking wooden boards.
Samantala, kung naghahanap naman kayo ng mas family-friendly na ganap, may upcoming play ang KCC na pinamagatang “The Forest Music Band, Dung Dda Koong.”
“The story revolves around six animal friends preparing for ‘Tiger’s’ birthday party, promising an engaging and educational experience for young audiences. The show is ideal for ages 3 and up,” saad sa synopsis ng musical play.
Gaganapin ito sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) sa Maynila sa August 18.
Libre lang ‘yan, pero limited slots. Kaya abangan ang update ng KCC sa social media upang malaman kung paano makakapag-reserve ng tickets.