Hidilyn dream come true ang pagbisita sa Miraculous Medal Chapel sa Paris

Hidilyn dream come true ang pagbisita sa Miraculous Medal Chapel sa Paris

PHOTO: Instagram/@hidilyndiaz

PROUD devotee ng Our Lady of the Miraculous Medal ang Pinay weightlifter at Olympic champion na si Hidilyn Diaz.

Ito ay ibinandera niya recently sa isang Instagram post matapos bisitahin sa Paris ang kapilya nito.

Pagbubunyag ni Hidilyn, isa itong dream come true at inalala na may suot siyang Miraculous Medal nang sabitan siya ng gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

“I finally fulfilled my dream of visiting the Chapel of Our Lady of the Miraculous Medal in Rue Du Bac. Dito sa Kapilyang ito nagpakita si Mama Mary kay St. Catherine Laboure at inatasan siyang ipalaganap ang Medalya Milagrosa,” chika niya.

Ipinakita niya rin sa mga litrato na nag-offer siya ng “marble memorial” bilang pasasalamat sa pagkapanalo niya sa nasabing olympics event.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo hindi makapaniwala sa 2 gold medal, next na raw ang 2028 Olympics

Kasama niya riyan ang kanyang mister na si Coach Julius Naranjo.

“Nagdasal ako at nagnilay sa mga sagradong lugar ng Kapilya. I would always remind athletes na ang success natin ay galing sa Diyos, and we must never forget to give thanks to Him for all the blessings and graces na natatanggap natin,” caption niya sa post.

Mensahe pa niya, “Let us always pray the words inscribed on the medal: ‘O Mary, conceived without sin, pray for us who have recourse to thee’ [folded hands, gold medal emojis].”

Kung matatandaan, noong 2021 nang ibinahagi ni Hidilyn sa CBCP News na ang suot niyang Miraculous Medal sa Tokyo Olympics ay regalo ng kanyang kaibigan.

“They prayed the novena for 9 days before my competition. I also prayed the novena,” sey niya.

Dagdag pa niya, “It is a sign of their faith and my faith to Mama Mary and Jesus Christ.”

Read more...