Mon Confiado inireklamo sa NBI ang vlogger na si Ileiad: Hindi ito JOKE!

Mon Confiado inireklamo sa NBI ang vlogger na si Ileiad: Hindi ito JOKE!

Mon Confiado

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA nu’ng Sabado tungkol sa reklamo ng premyadong aktor na si Mon Confiado.

Ito yung ipinost ng isang vlogger na fake news kalakip ang kanyang larawan para gawing content at makakuha ng maraming views.

Hindi nagustuhan ng aktor ang ginawa ng vlogger na nagngangalang Ileiad na ang tunay na pangalan ay Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto. Naging masama ang tingin kay Mon ng publiko dahil hindi raw ito nagbayad ng kanyang biniling tsokolate sa isang grocery store  na walang katotohanan.

Baka Bet Mo: Mon Confiado ilang araw hindi naligo sa shooting ng ‘Nanahimik Ang Gabi’; daliri ni Ian Veneracion muntik madurog

Nang sihatin ng aktor ang vlogger ay humingi naman ito ng sorry pero hindi naman niya tinanggal ang post kaya lalong nairita si Mon at nagsabing gagawan niya ito ng hakbang sa legal na paraan.


Imbes na magpakumbaba si Ileiad ay tila nagtaray pa at tinanong si Mon ng, “Is this a threat?”

Kaya naman ngayong araw, Lunes ay nagtungo na ang aktor sa National Bureau of Investigation o NBI para ireklamo si Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto alyas Ileiad.

Ipinost ni Mon sa kanyang Facebook account ang larawang pinirmahan ang kanyang salaysay sa harap ng abogado ng NBI.

Ang caption ni Mon, “Dear Mr. Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto alias ILEIAD.

Baka Bet Mo: 1st Blvck Scriptwriting Contest tagumpay, Top 10 ibinandera

“Nawa’y maging aral sa iyo ito at sa ating lahat. Na ang paggamit ng pangalan at larawan ng walang pahintulot ay krimen. Na hindi lahat ng jokes ay nakakatawa at hindi lahat ng jokes ay para sa lahat. Dapat sana ang joke ay nakakapagpasaya at hindi nakakasira ng tao,” ang bahagi ng pahayag ng aktor.


Sinundan niya ito ng paglalarawan sa kanyang sarili na isa siyang tahimik na tao at nagulo ang buhay dahil sa kagagawan nitong si Ileiad.

“Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD,

“Ako ay isang tahimik na tao. Never na nasangkot sa kahit isa o anumang mang gulo sa buong buhay ko. Wala ako ni isang kaaway o nakaaway man lang.

“Ako ay tahimik na nagtratrabaho lamang bilang aktor. At bilang aktor, ang aking pangalan ay aking pinagkaka ingat-ingatan dahil ito ang aking puhunan para ako ay makakuha ng trabaho.

“Ngunit ako ay nagulat dahil biglang direktang ginamit mo ang aking pangalan at larawan ng walang pasintabi sa isang joke na tinatawag niyong ‘copypasta.’

“Ang problema kahit ito ay isang joke o ‘meme’ lamang, hindi pamilyar ang lahat ng tao dito at ito ay ipinost mo sa Facebook  At alam mo naman ang mga tao ay napakadaling maniwala sa mga ganyang posts.

“Siyempre ang ilan d’yan ay maniniwala at ire-repost agad dahil katulad mo ay gusto lang din makakuha ng mga likes kahit may masagasaan.

“Ako ay may mga ginagawang pelikula, may mga endorsements at may on-going na transaction para maging ‘brand ambassador’ ng isang produkto.

“Paano kung dahil sa maling pagkakaintindi sa joke mo ay maapektuhan ang aking mga trabaho? Dapat ba ay tumahimik lang ako? Dapat ba ako pa ang mag adjust at pabayaan ko na lang at huwag na ako mag react?

“Mr. Jeff Jacinto, uulitin ko, ako ay nananahimik at ginulo mo. Pero nu’ng nag comment ako sa post mo at sa messenger mo, sinabihan mo pa ako ng ‘is this a threat?’ Hindi mo pa din ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi.

“Oo. Nagpublic apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo. At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama.

“Ngayon, Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD. Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO.

“Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed.

“Lubos na gumagalang,

“Mon Confiado.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto tungkol sa isyung ito.

Read more...