Andrew Schimmer magkaka-baby na sa partner: ‘Grabeng blessing po!’

Andrew Schimmer magkaka-baby na sa partner: ‘Grabeng blessing po!’

PHOTO: Facebook/John Andrew Schimmer

NAG-UUMAPAW sa saya ang pakiramdam ng actor-model na si Andrew Schimmer matapos malamang magkaka-baby na sila ng kanyang partner na si Dimps.

Sa Facebook, ibinandera ni Andrew ang isang litrato na ipinapakita ang “positive” result ng pregnancy test.

Kalakip niyan ay inihayag ng aktor na masayang-masaya silang lahat dahil sa blessing na ibinigay sa kanila ng Diyos.

“My God, totoo na ‘to [crying, folded hands emojis],” panimula niya sa caption.

Wika pa niya sa post, “Thank you lord [crying, folded hands emojis] grabeng blessing po nito.”

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer soulmate si Dimps Greenvilla: Masarap siyang mahalin

“We’re all superrrr happy! Woohooo! [partying face emojis],” lahad pa niya

Tila hiniling pa niya sa post na sana ay maging lalaki ang kanilang baby.

Aniya, “Bebe boy lezzgaw! [baby emojis]”


Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot ng “congratulatory” messages.

Mababasa rin ang komento ng anak ni Andrew na si Andrea na tila excited na rin sa magiging bago niyang kapatid.

“Finally may baby na sa house!! [crying, red heart emojis],” sey ni Andrea.

Nagreply naman siyan si Andrew at sinabing: “may aalagaan na kayo ng mga kapatid mo [thumbs up, smiling face emojis]”

Hirit na pabiro naman ng kanyang anak: “Lalagay ko siya sa pocket ko para masama ko siya sa’kin palagi hehe [blushing face emoji].”

Magugunita noong December 22 nang may pa-jowa reveal si Andrew sa madlang pipol.

Noong December 2022 nang namaalam ang namayapa niyang partner na si Jho Rovero dahil sa iba’t ibang komplikasyon.

Read more...