MALAKI ang tsansa na magkaroon ulit ng bagyo sa ating bansa.
Ito ang latest update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, August 12.
Ayon sa weather specialist na si Obet Badrina, kasalukuyan nilang binabantayan ang Low Pressure Area na nasa silangang bahagi ng Northern Luzon.
At kung sakali nga raw na tuluyan itong maging bagyo ay tatawagin nila itong “Dindo.”
Baka Bet Mo: Sunshine Dizon inaming maraming ‘regrets’ sa buhay, nag-open up sa pagkakaroon ng depression
Gayunpaman, sinabi rin ng weather bureau: “Pero posible rin ‘yung scenario na ito ay palabas na ng Philippine Area of Responsibility.”
Paliwanag pa ni Badrina, “Wala itong direktang epekto sa anumang bahagi ng ating bansa. Hindi rin nito napapalakas masyado ang Habagat.”
At speaking of Southwest Monsoon, magdudulot ito ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, at Bataan.
Uulanin din daw ang Metro Manila, ang nalalabing bahagi ng Luzon, Western Visayas, at Negros Island Region.