Dennis binuking reaksyon ng Showtime host nang makita siya sa GMA Gala

Dennis binuking reaksyon ng Showtime host nang makita siya sa GMA Gala

Dennis Trillo at Vice Ganda

BUKOD sa natanggap na pamba-bash ng ilang netizens dahil sa pekeng post ng nang-hack sa kanyang TikTok account, maraming gumawa ng memes tungkol sa poser ni Dennis Trillo.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng matinding bashing ang Kapuso Drama King sa social media dahil sa ginawa ng kanyang poser.

Talaga namang gumawa ng ingay ang  comment sa TikTok account ni Dennis na “May ABS pa ba?” na may konek sa isa pang fake news na lalayasan na kanyang asawang si Jennylyn Mercado ang GMA para lumipat na sa GMA.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba binura ni Dennis Padilla ang mga posts patungkol kay Julia Barretto?

Mariing itinanggi ni Dennis na siya ang nagkomento ng “May ABS pa ba?” at sinabing na-hack nga raw ang kanyang account. At bukod nga sa mga hate comments, may mga gumawa rin ng memes at parody tungkol sa “abs?”


“May mga nakita naman ako. Ang reaksyon ko lang do’n, parang napaka-importante ng comment, sasabihin ng isang tao totoo man o hindi. Lahat ngayon may opinion,” ani Dennis nang makachika siya ng ilang members ng press kabilang na ang BANDERA sa kanyang solo presscon para sa “Pulang Araw.”

Ano naman ang naging reaksyon ng mga taga-ABS-CBN, partikular na ang mga host ng “It’s Showtime” nang makita niya ang mga ito sa GMA Gala 2024.

“Okay naman. Alam niyo, pagpasok pa lang namin, sina Vice Ganda, mga miyembro ng It’s Showtime, okay naman. Sabi pa niya, ‘uy, congrats!’ Congrats saan? ‘Meron tayong MMFF, may pelikula tayo du’n.’ So, okay naman, wala namang nagbago,” sagot ng aktor.

Baka Bet Mo: Xian Gaza tinalakan si Dennis Padilla: Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan

Ano naman ang masasabi niya na first time niyang makaranas ng grabeng pamba-bash? “Oo, first time nga, kasi wala naman akong kaaway. Wala, hindi ko na lang pinapansin kasi, hindi naman makakatulong ss ‘yo kung papansinin mo pa.”

Samantala, excited na si Dennis na mapanood ang pagiging kontrabida niya sa “Pulang Araw”. Handa na raw siyang kainisan ng manonood dahil sa role niya bilang hapon na sukdulan ang kasamaan.


“Oo, handa na (kabwisitan ng viewers). Siyempre doon mo makikita kung gaano ka ka-effective. Kung talagang okay ‘yung pagganap mo. Kung maaapektuhan sila. Kung ano ‘yung mararamdaman nila kapag napanood nila ‘yung mga eksena,” aniya.

Dagdag ni Dennis, “Wag na ‘yung sa tingin ko kontrabida dahil katulad nung sinabi ko kanina walang magiging effective na bida kung walang isang magpapahirap na kontrabida sa kanya dahil doon siya talaga huhugot ng galit so importante siya.”

Isa raw sa challenging scene na ginawa niya sa serye ay ang rape scene nila ni Sanya Lopez, “Hindi ko makakalimutan ‘yung eksena, first time ko rin ginawa. First time kong nagkaroon ng eksenang gano’n.

“And siyempre, alam naman natin na no’ng panahong ng hapon, laging lalabas d’yan ang mga kuwento ng comfort women at nga pinagdaanan nila.

“Siyempre, ako ang pinuno ng mga hapon dito, isa sa masasabi kong eksena na pinakamahirap na ginawa namin dito ay yung pagpwersa sa mga babae.

“Mahirap kasi first time ko yung ginawa sa eksena. Napaka-sensitive ng eksenang ‘yon and actually, bago namin ginawa ang eksena, ni-rehearse muna namin ng paulit-ulit.

“Alam naming mahirap, mainit ang lugar at alam naming maselan ang mga gagawin naming eksena,” pagbabahagi ng aktor.

Samantala, matitindi rin daw ang eksena nila ni Alden Richards sa serye, “Naalala ko ‘yung first scene na ginawa namin torture scene pa, sobrang intense ng eksena, mainit, pero si Alden walang reklamo.

“Ibinibigay niya lagpas 100 percent and kapag nagka-cut ganun pa rin ‘yung energy niya dahil masayahin siyang tao, kaibigan niya lahat ng tao sa set,” sabi pa ni Dennis.

Read more...