NAALARMA ang Gabriela Partylist sa mga rebelasyon ni Angeli Khang kaugnay sa mga nangyayari behind-the-scenes sa ginagawa niyang daring scenes.
Dahil diyan, nagpahayag ng pag-aalala ang Gabriela: “Her admission of feeling ‘taken advantage of’ while filming for Vivamax movies is a manifestation of the pervasive exploitation that women continue to face.”
Dagdag pa sa pahayag ng dating Rep. Sarah Elago, “Such behavior represents a gross breach of consent and professional ethics that cannot be tolerated in any workplace, much less in an industry that wields significant influence over societal norms and values.”
Nangako rin ang partylist na aaksyunan nila ito at idudulog sa magiging budget hearing ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Bubuo rin daw sila ng mga panukalang pambatas na tutugon sa mga concern ng kababaihan sa lokal entertainment industry.
Baka Bet Mo: Angeli Khang sinasaktan ng ama, pumapasok sa school na puro pasa
Mensahe pa, “We stand in solidarity with Ms. Khang and all women who have experienced similar abuses. Your voices matter, and we will continue to fight for your rights and dignity.”
“It’s time to put an end to this system that exploits women and create a society that will value women for her true worth and contributions,” anila.
Kamakailan lang, viral sa social media ang naging interview ng sexy actress with Toni Gonzaga kung saan nag-open up siya tungkol sa mga naranasan niyang harassment at pang-aabuso na nangyayari sa Vivamax.
Inamin pa nga ni Angeli na maraming beses siyang nate-take advantage sa taping.
“Bago pa mag-take ‘yung direktor, hinahalikan na ako. After mag-take, hinahalikan pa rin ako,” chika niya.
Ipinaliwanag din ni Angeli na pinagbibigyan niya ang mga ito habang taping, pero pagkatapos ay nagsusumbong na siya sa direktor.