Darryl Yap: 50 kaso ng cyberlibel ang inaasikaso ng mga abogado ko

Darryl Yap: 50 kaso ng cyberlibel ang inaasikaso ng mga abogado ko

Darryl Yap

MAHIGIT 50 kaso pala ng cyberlibel ang inaasikaso ngayon ng mga abogado ng blockbuster director na si Darryl Yap.

Iisa-isahin daw ni Direk Darryl at ng kanyang mga legal counsel ang lahat ng nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya, kabilang na ang mga nagkokomento ng “pedophile” sa social media.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ng direktor ang mga social media accounts na tumitira at lumalapastangan sa pangalan at pagkatao niya.

“Kung iniisip ng pahinang ‘DALAWANG SENTIMO SA KALYE’ na porket naka-block ako sa page nila ay hindi na sila matutunton ng otoridad bilang mga admins—nagkamali sila.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin hindi magbibigay ng public apology kay Dawn Chang: Hinusgahan na po agad ang aking pagkatao

“Maging ang mga nag-comment at nagbintang na ako ay ‘pedo’, ‘pdf’ atbp. Iisa-isahin namin kayo, kapag mukhang may kakayahan, sasampahan.
kapag mukhang mahirap, patatawarin,” ang simulang pagbabanta ng filmmaker.

Patuloy pa niya, “Ipinapangako ko sa aking mga tagasubaybay at ng VinCentiments na idedemanda ko ang mga admins ng pahinang ito hanggang ang pangalan ng page na lang nila—ang matira sa kanila. DALAWANG SENTIMO SA KALYE.

“Mahigit 50 kaso ng cyberlibel ang inaasikaso ng mga abogado ko — sa totoo lang nililinaw ko rin kung ang halagang ibinayad for settlement ay may buwis ba o wala, since 2020— 6 pa lang ang nadinig at naisara; pero hindi naman ako nagmamadali.


“Nakabatay sa halaga ng kontrata ko ang halagang dapat nilang itapat sa kung ano ang pwedeng magasgas sa aking repustasyong pangmalikhain,” aniya pa.

Sabi ni Direk Darryl, marami na siyang  pinalampas na fake news, “Lalo na kung ang mangmang na nagpost o nagcomment ay mukhang nagpapalipas din ng gutom at wala akong mahihita kundi mabahong ‘sorry ‘

“Muli, ang mga tweets na pinagputol-putol at mga balitang pinagtyatyagaang ipanlaban sa akin ay hindi totoo.

Baka Bet Mo: Vico Sotto hindi apektado sa cyberlibel case na isinampa ni Iyo Bernardo: It’s nothing personal…

“Hinihikayat ko ang lahat ng mga galit sa akin na labanan nyo ako sa pamamagitan ng pagtapat sa aking contents, posts at comments—at huwag kayong mahulog sa patibong na hindi kayo makakaahon.

“Hindi ako pedophile, hindi ako pumapatol sa bata, at kahit hindi ako namimili ng papatulan sa socmed, pinipili ko ang dadalhin ko sa korte.

“Hindi ako sensitib pero hindi ako manhid. kung akala nyo nakakita kayo ng paninira sakin—nakikita ko kayo bilang dagdag sa kikitain.

“Content vs Content

“Opinion vs Opinion

“Pwede namang ganyan,

“Hindi nyo lang kaya.”

Read more...