Pia Moran may dyowang 32-anyos na nurse: Sa FB kami nagkakilala!

Pia Moran may dyowang 32-anyos na nurse: Sa FB kami nagkakilala!

Pia Moran

BONGGA pala ang lovelife ngayon ng dating sexy actress na si Pia Moran dahil nakatagpo pa siya ng true love sa edad na 61.

Ni-reveal ni Pia na may karelasyon siya ngayong 32-year-old na nurse na nakilala raw niya sa Facebook noong 2020.

“Bago lang akong may boyfriend ngayon. Seven years akong walang boyfriend. So ngayon pa lang ako nagkaroon ng boyfriend.

Baka Bet Mo: Pia game na game sa lahat ng laban sa buhay: ‘Live life to the fullest!’

“Enjoy na enjoy ako. Masaya-masaya ako ngayon dahil may boyfriend na ako,” ang rebelasyon ni Pia sa panayam na “Updated with Nelson Canlas” podcast.


“I didn’t know na makahanap pa ako at my age. Kasi happy na ako sa seven years na walang boyfriend eh. No problem, single, walang iniisip na ganiyan, hindi iiyak,” sey ni Pia na tinagurian noong “Miss Body Language.”

Dagdag pa niya, “Ngayon bumalik na naman ako, nag-boyfriend na naman ako. So, excited lang ako na magkaroon ng boyfriend ngayon. Masaya ako sa having a boyfriend.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nawalan ng milyones dahil sa naarestong asawa ni Terrence Romeo: Nagtiwala ako, e!

Pag-amin pa ni Pia, “Sa Facebook lang kami nagkakilala, noong 2020. So, hindi ko siya sinagot. Kumbaga, hindi kami nagkatuluyan noon kasi busy siya, busy rin ako. May ginagawa ako that time.

“Nagpunta yata ako sa Dubai dati. ‘Yun yata ang nangyari noon. So, hindi ko alam kung paano, basta bigla na lang nawala kami sa bawat isa,” sey pa ni Pia.

“And then nakita niya ako. Sabi ko ‘Ikaw ba ‘yan?’ Sabi niya, ‘Oo, matagal tayong hindi nagkita. Ano na ang balita?” sabi pa ni Pia hanggang sa maging sila na nga.


Patuloy pa niya, “Hindi ko inaasahan na main-love pa ako. Kasi for seven years, wala akong boyfriend. Masaya ako, wala akong problema.

“Hindi ko na iniisip mag-boyfriend nga. Bigla na lang, hindi ko akalain na may darating pala. Hindi ko iniisip na, eh, ituloy ko ba ito? Or natatakot ako? Sige, go,” lahad ng aktres.

Umaasa at palagi raw niyang ipinagdarasal na sana’y pang-forever na ang relasyon nila ng kanyang dyowa.

“Bago pa lang kami, months pa lang kami. Pero ‘yung feeling namin, parang matagal na kami mag-boyfriend, mag-sweetheart.

“Ganu’n ang feeling. So sana ito, I pray na magtuloy-tuloy itong relasyon namin at baka next year, baka magpakasal or what. I don’t know, basta I pray for that,” sabi pa ni Pia sa naturang panayam.

Very soon ay muling mapapanood si Pia sa pelikulang “Lola Magdalena” kung saan makakasama niya sina Gloria Diaz, Liza Lorena, Perla Bautista, Sunshine Cruz, mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Read more...