Nursing student bugbog-sarado sa bashers dahil sa ‘flatline’ video

Nursing student bugbog-sarado sa bashers dahil sa 'flatline' video

BASAG na basag ang isang Nursing student matapos banatan ng mga netizens dahil sa umano’y “insensitive” content sa kanyang vlog.

Ang binabatikos na content creator ay mula sa University of Perpetual Help-Calamba na naglabas ng video sa TikTok ng kanyang “day in my life as a nursing student.”

Mabilis na nag-viral ang naturang video kung saan makikita ang pagpa-flatline o pagkawala ng heartbeat ng isang pasyente, bukos pa sa mga restricted areas ng ospital.

Hindi man binanggit ang pangalan at hindi rin ipinakita ang mukha, feeling ng mga netizens isang pambabatos at kawalan ito ng respeto sa karapatan at privacy ng pasyente pati na rin sa pamilya nito.

Baka Bet Mo: Dingdong tinupad ang kabilin-bilinan ng magulang; matinding hirap ang dinanas bilang working student

Malinaw daw na nilabag ng estudyante ang code of ethics ng kanyang propesyon. Ang nakasaad sa Article 2, Section 4, Ethical Principle Number 3 ng Code of Ethics for Filipino Nurses, “Personal information acquired in the process of giving nursing care shall be held in strict confidence.”

Sa ngayon at deleted na ang video ng Nursing student na na naglalaman ng  kanyang daily routine bilang estudyante kabilang na ang paghahanda niya sa  pagpasok sa ospital kung saan siya nagdu-duty.

Sa isang bahagi ng video ay ipinakita rin ang paghahanda ng naturang estudyante sa ibibigay na medication at iba pang procedures na gagawin niya sa mga pasyente. Kasunod nga nito ang pagpapakita sa cardiac monitor ng pasyente na nagpa-flatline.

Narito ang ilang comments na nabasa namin sa a X (dating Twitter) hinggil sa video ng Nursing student.

“Kung pamilya ko yung nasa momentum na ‘yon, dinemanda na kita. hindi ka pa man registered, hindi ka na mabiyayaan ng lisensya.”

Baka Bet Mo: Grade 5 student namatay matapos ma-comatose dahil sa pananampal ng teacher?

“As an icu nurse who handles critically-ill patients everyday, it’s very disturbing for me to watch [name of student nurse] ‘flatline’ content because who tf makes a vlog with someone dying on it ????”

“Totoo! when I was in nursing school we can’t even bring our phone sa hospital. Our CI randomly inspects our pockets and if nahuli ka, confiscated phone mo for a week, mag susubmit ka pa ng Incident report mo with duty extensions so Idk pano sya nakaka vlog????”

“Who on earth IN THEIR MIND would vlog a clip during a flatline moment of their patient?????? that is SOOOO agitating.

“I’m not even an SN but i do know the the dos and donts that they may have. [Name of student nurse] is just a pure dumb girlie who literally graduated without knowing her responsibilities.

“Nainis pa ako sa reply niya sa comment abt flatline where she laughed about it? anong nakakatawa, ate?”

“It’s literally so disturbing And knowing that all this time walang nagcacallout sakanya is so ???? like even the CI allowed her to vlog (sabi niya sa comments). So many violations but they just let it pass bcuz shes an “influencer” lol”

“Hi! I think wala talagang nakahook na patient sa cardiac monitor, and just took a video during that time para masabi niyang ‘a patient flatlined.’ If may pt na nakahook, it will say asystole or zero sa monitor. Also, other parameters/ waves are not present. So hindi yan naka hook.”

Kasunod ng pag-viral ng video ng estudyante naglabas ng official statement ang University of Perpetual Help-Calamba sa pamamagitan ng Facebook.

Humingi sila ng paumanhin sa publiko at sa mga taong involved sa kontrobersya kasabay ng pagtanggal sa naturang post. Magsasagawa rin daw ng corrective measures ang unibersidad hinggil sa isyu.

Nag-sorry na rin ang viral student sa pamamagitan ng Instagram kasabay ng pakiusap na huwag na sanang idamay ang kanyang eskwelahan, clinical instructors, at mga kaibigan na wala namang involvement sa kanyang ginawa.

“It was an error in judgment and a lesson I will never forget,” ang pag-amin pa niya.

Read more...