“PLOT twist” kung maituturing ng Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto ang biglaang pag-atake ng appendicitis niya.
Sa serye ng Instagram Stories, ibinandera ni Darren ang nangyaring emergency sa kalusugan habang nasa flight pauwi ng Maynila.
Sa unang post, makikita ang kanyang video na nakahiga sa hospital bed at sinabing umatake ang kanyang appendicitis.
“From the airport to the hospital. Sabi sa inyo, grabeng plot twist nangyari sa akin eh,” caption niya sa video.
Baka Bet Mo: Darren hindi agree sa panliligaw ng katropa sa kanyang kapatid?
Chika niya, “Appendicitis suddenly hit during my flight back to Manila. Was supposed to be back on ‘Showtime’ today, but emergencies happen talaga. Shoutout to my family and friends who have prayed for me!”
Sa sumunod na IG Story, makikita na dadalhin na siya sa operating room upang tanggalin na ang kanyang appendix.
Dahil sa nangyari sa singer, kanselado ang upcoming shows niya, kabilang na ang magiging performance sana niya sa Tandaya Festival 2024 Samar Day sa Linggo, August 11.
“To the producers of the shows I was supposed to be part of in the next few days, I am so sad to have to cancel at the last minute,” wika ng aktor.
Aniya pa, “I hope to work with y’all soon, pa rin po! Thank you for your understanding!”
Kakagaling lang ni Darren sa California dahil sa “ASAP Natin ‘To” reunion concert.
Kasama niya roon ang ilang Kapamilya artists kabilang na ang P-pop powerhouse BINI, Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Yeng Constantino, KZ Tandingan at Erik Santos.
Naroon din ang ilang artista na sina Piolo Pascual, Kyle Echarri, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Janella Salvador, Anne Curtis, Lovi Poe, Kim Chiu, Paulo Avelino, Inigo Pascual, Joshua Garcia at Robi Domingo.