TRIGGER WARNING: HARM/SUICIDE
ISANG 19-year-old Islamic State sympathizer and nagplano ng kanyang deadly suicide attack sa concert ni Taylor Swift sa Vienna.
Ang detalyeng ito ay inilabas ng intelligence agency ng Vienna nitong Huwebes.
Dalawang suspek ang na-detain ng Austrian authorities nitong Miyerkules dahil sa umano’y pagpaplanong gumawa ng atake sa isa sa tatlong concerts ni Taylor na dapat ay magsisimula nitong Huwebes.
Dahil dito ay kinakailangang ikansela ang tatlong concert ng US singer-songwriter para na rin sa seguridad ng mga dadalo.
Baka Bet Mo: Taylor Swift isa nang ‘bilyonaryo,’ ayon sa Forbes magazine
Lahad ng 19-year-old main suspect, sinadya niyang magplano ng atake sa pamamagitan ng pagdadala ng explosives at mga kutsilyo.
“His aim was to kill himself and a large number of people during the concert, either today or tomorrow,” saad ng domestic intelligence agency (DSN) head na si Omar Haijawi-Pirchner.
Samantala, ang pangalawang suspek na isang 17-year-ols Austrian ay nagtatrabaho naman sa isang facility management company na isa sa mga magbibigay support sa Ernst Happeel Stadium kung saan isasagawa ang concert ni Taylor.
Samantala ang isa pang suspek na ayaw makipag-usap sa mga otoridad ay nasa stadium nang siya ay i-detain.
Ayon kay Chancellor Karl Nehammer, may “concrete and detailed” plan ang mga ito na mag-“blood bath”.
“The situation was very serious”, dagdag pa niya.
Samantala marami naman sa mga Pinoy Swifties ang naging dismayado dahil sa nakanselang Eras Tour ni Taylor.
Isa na nga rito si Mark del Rosario na dumayo pa ng Vienna para lang mapanood ang iniidolo.
Base sa panayam nito sa Reuters, lanis siyang nalungkot dahil sa pangyayari.
“It’s really sad because I flew alltve way from the Philippines for the cancert anc it was cancelled due to suspected terrorist attacks. It’s just heartbreaking,” lahad nito.