Niña Jose sa ‘itchy girls’: Do not ever try to cross what’s mine

Niña Jose sa 'itchy girls': Do not ever try to cross what's mine

VIRAL ngayon ang cryptic post ng alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Niña Jose kung saan nagbababala ito sa mga “higad” at “itchy girls”.

Sa kanyang Facebook account ay nagbahagi ang dating “Pinoy Big Brother” ay tila nag-warning ito sa mga taong posibleng umagaw ng kanyang pag-aari.

“Warning: I say this because sa mundong ito panahon nanaman ng mga itchy girls at higad,” panimula ni Niña.

Dagdag pa niya, “As a WIFE, I will always protect what is MINE. SO Do not, ever ever try to cross what’s MINE. Because… I will find you. You know who you are.”

Baka Bet Mo: Niña Jose sa viral ‘amoy maasim’ comment: Nagpakatotoo lang!

Pahabol pa ni Niňa, “For your itchiness just use claritin.”

Ngunit tila nabura na ng alkalde ang naturang post dahil wala na ito sa kanyang Facebook page sa ngayon.

Sa kabila nito ay marami nant mga netizens ang nakapag-screenshot ng naturang post ni Mayor Niña kaya kumalat pa rin ito saxsocial media.

Base sa naturang post ay tila may nagbabalak na mang-akit sa kanyang asawa at tila hindi na nakapagtimpi ang mayora kaya nagparinig na ito sa Facebook.

Para sa mga hindi aware, ang dating mayor ng Bayambang na si Cezar Quiambao ang hubby ni Niña.

Naging usap-usapan rin noon ang pagpapakasal ng dalawq dahil sa malayong agwat ng kanilang edad.

Ngunit para kay Niña, hindi hadlang ang edad pagdating sa pagmamahal.

“Age ain’t nothing but a number when it comes to love. Of course you have to be at the right age in making decisions but in general love is beyond age, color, and many other things,” sey noon ng alkalde.

Matatandaang 2017 nang ikasala sina Niña at Cezar.

Samantala, wala pa namang paglilinaw ang alkalde tungkol sa kwento sa likod ng kanyang deleted Facebook post.

Read more...