Kathryn tinukso ni Amy Austria: Pwede ka nang mag-asawa!

Kathryn tinukso ni Amy Austria: Pwede ka nang mag-asawa!

GRABE kahit hindi na nagpo-post ngayon ang mga taong involved sa sinu-shoot na pelikulang “Hello, Love, Again” nina Kahtryn Bernardo at Alden Richards sa Canada ay wala pa ring tigil ang netizens sa pagpo-post ng updates.

Matatandaang sinabihan ni Direk Cathy Garcia-Sampana ang lahat na walang magpo-post kung saan ang location ng shooting nila para hindi na sila masundan ng mga kababayang Pinoy na supporters ng KathDen.

Hindi kasi sila makapag-shoot nang dire-diretso bukod pa sa medyo maingay sila sa set na dahilan kaya may ilang kapitbahay na hindi mga Pinoy ang naiingayan.

Maging ang lahat ng news at entertainment websites pati sa YouTube ay pinag-uusapan ang KathDen na pati pagluluto ni Kathryn ng pagkain para sa mga kasama niya ay talagang highlight ng tsikahan.

Oo nga, ilang araw nang nakalipas ang ipinost ng aktres na nagluto siya ay talk of the town pa rin siya pati ang mga bago niyang ineendorsong produkto at gayun din si Alden kung ano ang nangyayari naman sa serye niyang umeere rito sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Kathryn bagay sa ‘Vagabond 2’ ni Lee Seung-gi; Chavit gagastos ng $1-M

 

Ang caption ni Kathryn sa mga pagkaing niluto niya, “Just another update nobody asked for: food edition!”

Base sa video post ng dalaga ay naghanda siya ng pagkain tulad ng quizadilla dahil may nakita kaming giniling at wrapper o Pita bread, chicken at fried rice with wagyu.

Mukhang si Alden naman ang naghihiwa ng wagyu base sa mga kamay at suot niyang relo saka halatang sanay maghiwa dahil nagluluto naman talaga ang aktor.

Anyway, tinukso naman ng aktres na si Amy Austria-Ventura si Kath dahil ang komento niya sa post ay, “Ay ang galing mo na magluto anak @bernardokath. Pwede ka na mag asawa. Love you (heart emoji).”

Samantala, may latest video post naman si Joross Gamboa ngayong araw na naglalakad sa tabi ng lake at nang i-Google namin ay may nakalagay na Lake Chaparral na tapat ng mga residents na matatagpuan sa Chaparral drive.

Ang backgound music ni Joross ay “Somewhere Only We Know” na version nina Gustixa & Rhianne.

Ang ganda ng eksenang nagmumuni-muni habang naglalakad si Joross sabay harap sa lake at tila kunwaring dyi-jingle na nakaharap sa mga bahay.

Anyway, mukhang hindi bibitaw ang supporters ng KathDen sa araw-araw na pagbibigay ng “ayuda” o balita sa social media para may updates hanggang sa showing ng “Hello, Love, Again” sa Nobyembre.

Read more...