Kiligin, masaktan, ma-inspire sa pelikulang ‘It Ends With Us’ ni Blake Lively

Kiligin, masaktan, ma-inspire sa pelikulang ‘It Ends With Us’ ni Blake Lively

PHOTOS: Courtesy of Columbia Pictures

HALO-HALONG emosyon ang mararamdaman sa bagong romantic drama film na “It Ends With Us.”

Ito ay base sa 2016 best-selling novel ng American author na si Colleen Hoover na may kaparehong titulo.

Ang pelikula na showing na sa mga sinehan ay pinagbibidahan ng sikat na Hollywood actress na si Blake Lively, kasama ang leading men na sina Justin Baldoni at Brandon Sklenar.

Tampok din diyan ang American actress na si Jenny Slate na nagsisilbing bestfriend ni Blake.

Napanood na ng BANDERA ang bagong movie at talaga namang nagandahan kami hindi lang sa istorya nito, kundi sa mapupulot na aral pagdating sa domestic violence.

Baka Bet Mo: LIST: Mga pwedeng i-‘movie marathon’ ngayong Agosto

Ayaw naman naming i-spoil ang kwento, kaya heto muna ang synopsis na inilabas ng Columbia Pictures:

“[It] tells the compelling story of Lily Bloom (Blake Lively), a woman who overcomes a traumatic childhood to embark on a new life in Boston and chase a lifelong dream of opening her own business. A chance meeting with charming neurosurgeon Ryle Kincaid (Justin Baldoni) sparks an intense connection, but as the two fall deeply in love, Lily begins to see sides of Ryle that remind her of her parents’ relationship. When Lily’s first love, Atlas Corrigan (Brandon Sklenar), suddenly reenters her life, her relationship with Ryle is upended, and Lily realizes she must learn to rely on her own strength to make an impossible choice for her future.”

Ayon kay Justin, nais niyang ipakita sa pelikula ang tunay na nangyayari sa isang relasyon na kahit mahal na mahal mo ang isang tao ay posible pa rin itong masaktan.

“We wanted to show an example of a complex and seemingly impossible situation that so many people live through. Showing that there may be real love while not running away from that fact that there is also real harm,” sey niya sa isang pahayag.

At sieympre, hindi mawawala ang isang hero na to the rescue sa isang tao na naaabuso at nasasaktan dahil sa isang “toxic relationship.”

“Atlas is who Ryle wishes he could be: someone who doesn’t blame his past for his present,” paglalarawan ng book author sa karakter na ginagampanan ni Brandon.

Chika pa niya, “Atlas has learned and grown from his hardships, rather than shrinking because of them. I needed to see an openness and tenderness in Atlas that we wish wasn’t missing in Ryle, and Brandon portrays that beautifully.”

Read more...