MAY bagong gimik ang mga scammer, kaya ingat ingat ulit mga ka-BANDERA, lalo na ang mga artista diyan na mukhang target naman nila ngayon.
Ang bagong modus ay ibinandera at ikinuwento mismo ng veteran actor na si Raymond Bagatsing sa serye ng kanyang Instagram posts dahil siya ay nabiktima ng mga ito recently.
Ayon sa aktor, ang scammers ay nag-message sa kanya via Telegram at nagkunwaring sina Direk Lauren Dyogi at Direk Jun Lana.
Pinag-audition daw siya ng mga ito para sa isang dark and daring sexy film na ipapalabas umano sa Japanese Festival, at ang offer daw sa kanyang talent fee ay P2.5 million.
“I did a quick audition thinking it was, Direk Jun Lana I was speaking to on Telegram. Because I respect Jun Lana…I took my shirt off upon his request. I did an improv pretending to have my wife who is in Tokyo for a sexy anniversary vid call,” kwento niya kung anong klase ng audition ang ipinagawa sa kanya.
Baka Bet Mo: Raymond Bagatsing tumodo na rin sa paghuhubad at sex scenes; Eva Mendez hindi nag-plaster sa ‘The Escort Wife’
Sinabi pa nga raw sa kanya ng pekeng direktor na ang magiging leading ladies niya ay ang mga aktres na sina Ivana Alawi at Lovi Poe na pumayag na umanong gawin ang “full frontal nudity” para sa nasabing festival.
Bandang huli raw ay tumanggi na siya sa proyekto dahil may ipinapagawa sa kanya na hindi niya nagustuhan.
“The fake Jun Lana wanted the character to touch himself and be more realistic, I put my shirt on and said, ‘sorry Direk Jun this project is not for me’,” chika niya.
Bigla raw nawala ang Telegram call at nag-message na ito sa kanya na tila nagalit pa.
Sa separate IG post, ibinandera ni Raymond ang screenshot ng conversation nila ng scammer matapos siyang tumanggi sa ipinapagawang audition.
Sinabihan siyang “unprofessional” at nanakot pa: “If you don’t want this thing to spread, pay for the damages or else everything will be on public. Mark my words.”
Sa huling post ni Raymond, sinabi niya na nagtiwala siya na ang mga kausap niya ay ang dalawang respected professionals sa Philippine showbiz industry.
Wala naman daw siyang dapat ikahiya dahil ang kanyang ginawa ay isang “professional audition.”
“They are extortionists and black mailers. Philippine showbiz please show unity. Please beware of these sick minded people,” panawagan niya.
Agad namang nag-isyu ng official statement ang Star Magic, pati na rin ang production company ni Direk Jun na The IdeaFirst.
Sinabi nila na hindi totoo na may ganung klaseng audition at may sinusunod silang tamang guidelines at procedures pagdating sa ganyan.
“We at IdeaFirst want to reiterate our commitment to fair and transparent processes. We believe in treating all talents with respect and professionalism. To clarify, we have outlined our audition procedures,” sey ng production company ni Direk Jun.
Saad naman sa pahayag ng Star Magic, “We want to stress that there is no such project and Star Magic does not conduct auditions that require anyone to engage in compromising acts.”