Grae, Kyle pasabog ang salpukan; fans abangers na sa 'Reginified'

Grae, Kyle pasabog ang salpukan; fans ni Regine abangers sa ‘Reginified’

Ervin Santiago - August 08, 2024 - 06:00 AM

Grae, Kyle pasabog ang salpukan; fans ni Regine abangers sa 'Reginified'

Regine Velasquez, Grae Fernandez, Piolo Pascual at Kyle Echarri

INULAN ng papuri at positibong komento ang tumitinding komprontasyon sa pagitan nina Kyle Echarri at Grae Fernandez sa ABS-CBN drama na “Pamilya Sagrado”.

Ito’y matapos makamit ng programa ang panibagong all-time high record na 598,246 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live nitong nagdaang linggo.

Ang dami pang dapat abangan sa pasabog na salpukan ng dalawang aktor dahil desidido na si Moises (Kyle) na kalabanin at ilantad ang mga krimen ni Justin (Grae) at ang pamilya nito para makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Roland.

Baka Bet Mo: Payo ni Mark Anthony kay Grae: Huwag ‘magpapatalo’ sa babae: Baka inaalipin o ginagamit lang siya

Itataya pa rin ni Moises ang kanyang buhay kahit alam niyang patuloy na mamanipulahin ng mga Sagrado ang katotohanan sa pangunguna ng abusadong vice-president na si Rafael (Piolo Pascual).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Grace Cameron Fernandez (@graefernandez)


Maaari naman mag-iba ang kapalaran ni Moises dahil nalaman ni Mercedes (Mylene Dizon), ang asawa ni Rafael, na may malaking posibilidad na si Moises ang totoong anak ni Rafael sa dati nitong kabit na si Cristine.

Hanggang saan aabot ang pakikipaglaban ni Moises para sa hustisya? Paano kaya makakaapekto ang nakaraan ni Moises sa relasyon niya sa mga Sagrado?

Panoorin ang matinding mga rebelasyon sa “Pamilya Sagrado” gabi-gabi ng 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.

* * *

Naglabas ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ng reimagined version ng 2010 hit song ng American rock band na Paramore na “The Only Exception.”

Baka Bet Mo: 2 magandang aktres ‘nagkakamabutihan’ na?; ‘Pamilya Sagrado’ puno ng pasabog

Ito ang pangalawang single na magiging bahagi ng pinakahihintay na revival album ni Regine na “Reginified” na binubuo sa ilalim ng Star Music.

Sa pamamagitan nito, unti-unting ipinapakilala ang unang karakter sa “Reginified” multiverse na isang mapagmahal na asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


Handog ni Regine ang “The Only Exception” sa kanyang asawa, ang Kapamilya singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Sinusundan ng kanta ang remake ni Regine ng “It Must Have Been Love” ni Roxette na nagsilbing preview buzz single at inilunsad noong October, 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapakinggan na ang “The Only Exception” ni Regine sa iba’t ibang music streaming platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending