LABIS ang pasasalamat ng Filipino pole vaulter na si EJ Obiena sa lahat ng mga taong nagpaabot ng tiwala at suporta sa naging laban niya sa 2024 Paris Olympics.
Sa kanyang social media post nitong Martes, August 6, nagpahayag ang atleta ng kanyang nararamdaman matapos ang kanyang naging laban.
“4th place is painful to say the least; and in sports with three podium places, perhaps 4th is the harshest place to be. I am heartbroken that a single failure cost me and cost a nation I so deeply love—the podium,” panimula ni EJ.
Humingi pa nga ito ng paumanhin dahil bigo siyang makamit ang medalya.
Baka Bet Mo: EJ Obiena emosyonal matapos mag-rank 4: I came short, Im sorry
“I apologise for this outcome; such is life as the world of competitive sports can be exhilarating at times, and painful at others. I have experienced both and unfortunately today I am on the other side of it!” dagdag pa ni EJ.
Sa kabila ng naging resulta ng kanyang kumpetisyon ay proud pa rin ang binata sa kanyang nagawang milestone.
Ngunit mayroon pa ring sakit sa parte ni EJ dahil muntik na sana siyang makasungkit ng Olympic medal.
“As anyone can imagine the reality is still sinking in and I am processing the outcome,” sabi pa niya.
Nabanggit rin niya ang naging tagumpay ng kasamahang si Carlos Yulo na nagwagi ng dalawang gold medal sa gymnastics.
“Carlos Yulo has already made this an Olympics to remember and I salute him. I am sorry I didn’t join him on the podium but I will be back.
“‘The good get up’ as they say. I have been knocked down. But I will get back up,” sey pa ni EJ.
Matatandaang emosyonal na humingi ng sorry ang binara matapos siyang mag-rank bilang pang-apat sa finals ng pole vault.
Marami naman sa mga netizens at mga tagasuporta ang nagsabing hindi niya kailangang humingi ng paumanhin dahil malaki na ang kanyang naging improvement mula sa pagiging 11th placer sa nagdaang Tokyo Olympics at ngayo’y 4th placer na siya sa Paris Olympics.