HALOS lahat ng pinakasikat na artista sa mundo ng telebisyon at pelikula ay naging anak-anakan ni Mother Lily Monteverde.
Kaya naman sa pagpanaw ng Regal Entertainment Matriarch at itinuturing na ring showbiz icon, buong industriya ang nagluluksa at nakararamdam ng matinding kalungkutan.
Sumakabilang-buhay si Mother Lily nitong nagdaang Linggo, August 4, sa edad na 84.
Ito’y isang araw matapos ilibing ang kanyang asawang si Leonardo Monteverde o mas kilala bilang si Father Remy.
Baka Bet Mo: Rendon Labador ‘minalas’, pinagbenta raw ng ticket ang guest band sa grand opening ng negosyo
Isa sa mga nagbigay-tribute sa yumaong film producer sa pamamagitan ng social media ay ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos kalakip ang litrato nila together.
Sey ni Juday halos lahay ng “first” niya sa entertainment industry ay mula kay Mother Lily.
“My first teleserye ‘Kaming Mga Ulila’ and the only producer na sumugal sa amin ni Gladys (Reyes) para gawin ang pelikulang ‘Sana Naman,’ and the rest is history,” bahagi ng caption ni Judy Ann.
Patuloy pa ng premyadong aktres, “Ginawa mong makulay ang buhay ng maraming tao sa industriyang ito na minahal mo ng sobra sobra, and for that I will forever be grateful for your trust and love.”
Baka Bet Mo: Mother Lily wish makapagpa-party sa Pasko para sa showbiz press
Nakiramay din si Iza Calzado sa naulilang pamilya ni Mother Lily at pinatunayan kung gaano kabait at ka-generous ang iconic producer.
“You were kind to me and supportive of me, and I will carry that in my heart.
“I will always remember you with a bright smile on your face, either playing the piano or stretching and moving around, saying it is the key to staying young,” sey ni Iza.
Post naman ng isa sa mga original Regal Baby na si Maricel Soriano, “Talagang through the years, napatunayan mo sa amin na mahal na mahal mo kami at ang turing mo sa amin ay mga anak.
“Mami-miss ko ang lahat ng iyon and most of all mamimiss kita, Mother!” dugtong pa niya.
Para naman sa isa pang certified Regal Baby na si Snooky Serna, itinuring na rin niyang ikalawang nanay si Mother Lily.
“Pagmahal niya samin nag transcend, ‘di lang producer. I went through depression and burnout. Almost everyday nasa sala area namin.
“Talagang tama name na ‘Mother Lily’. ‘Di ko forget pag alaga niya sa amin sobra-sobra. She loved as equally as siblings parang pamilya ko talaga. They will always stay in my heart,” aniya pa.
Mensahe ng Star For All Seasons na si Vilma Santos na nakagawa rin ng maraming movies under Regal Films, “Our condolences and prayers. Rest in peace. I love you, Mother Lily. Salamat po!”
Para naman kay Billy Crawford, naaalala niya si Mother Lily bilang “strict, but always willing to help actors and actresses reach their dreams.”
“May you rest in peace, Mother. From your regal baby. Condolence to the whole family. Thanks, Mother Lily,” sabi pa ni Billy.
Tatagal ang wake ni Mother Lily hanggang Biyernes sa 38 Valencia Events Place, Quezon City. She will be interred on Saturday, August 10, at The Heritage Park in Taguig City.