MAGKAHALONG excitement at kaba ang nararamdaman ni Ria Atayde habang papalapit nang papalapit ang araw ng kanyang panganganak.
Ipinagdadalang-tao ni Ria ang panganay nila ng kanyang asawang aktor na si Zanjoe Marudo at sigurado raw ang aktres na magiging hands-on parents sila sa magiging first baby nila.
Nitong nagdaang Lunes ay muling nasilayan ng publiko si Ria nang um-attend siya sa special screening ng 2024 Cinemalaya Film Festival entry na “Love Child”.
Baka Bet Mo: Herlene Budol handang-handa nang makipag-awrahan sa Bb. Pilipinas 2022: Ito na! Ilalabas ko na po lahat!
Pinagbibidahan ito ng isa sa mga BFF niya sa showbiz na si Jane Oineza at boyfriend nitong si RK Bagatsing. Ito ang unang public appearance ng actress-producer mula nang ikasal sila ni Zanjoe hanggang sa magbuntis.
“I think apart from the fact that I really wanted to see the story, I’m here for Jane and RK.
“We got to read the script before, also it’s just an inspiring story na I think you know, coming into my next journey, which is parenthood, ‘di ba?” pahayag ni Ria sa panayam ng ABS-CBN.
Naikuwento rin ng future mommy ang ginagawa niyang pagwo-workout ngayon na malaking tulong sa kanyang pregnancy journey.
“I think the very thing is it helped the pregnancy. Yeah, I feel like if anything women are pregnant, it’s something I would urge them to do, I try to work out at least five times a week.
Baka Bet Mo: Kahit grabe ang kaba napagtagumpayan natin ang hamon! – Enchong
“Tabain ako kung hindi ako nagwo-work out, lalaki pa ako nang todo,” chika pa ng wifey ni Zanjoe.
Inamin din niya na tulad ng ibang buntis, dumaan din siya sa matinding challenges during her first term.
“I feel like everybody goes through the motions of that (morning sickness) basta there were so many things going on from the start, and I’m just glad that I passed the first phase and now you know, just wait,” anj Ria.
Natanong din ang anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde kung paano siya nagpe-prepare ngayon sa paglabas ng baby boy nila ni Zanjoe at sa pagiging nanay.
“Parang it’s too early for me to tell. I want to base it on how things feel when the baby comes out. Of course, I wanna be hands-on,” sagot ni Ria.
Nagpasalamat din si Ria sa lahat ng mga taong sumusuporta at patuloy na nagmamahal sa kanya kahit na pansamantala muna siyang nawala sa showbiz.
“I have a lot of people who’s been very supportive throughout this journey and I think that’s super important that I have a good support system,” aniya.
At siyempre, super thankful din siya sa kanyang nanay na si Ibyang na walang sawang nagbibigay sa kanya ng advice bilang first time nga niyang magkaka-baby.
“Ang dami kasi niyang sinasabi. Pero first of all breast feed so, yeah ayun. Magiging padede mom na rin. I really hope so, that’s the goal,” aniya pa.