Gerald Santos sa nagsasabing mag-move on na siya: Mali po 'yan

Gerald Santos sa mga nagsasabing mag-move on na siya: Mali po ‘yan

Therese Arceo - August 06, 2024 - 06:11 PM

Gerald Santos sa mga nagsasabing mag-move on na siya: Mali po 'yan

MULING sinariwa ng singer-actor na si Gerald Santos ang hindi magandang karanasan niya noong 2010.

Nitong Lunes, August 5, ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel na ang paglaban ng mag-amang Niño at Sandro Muhlach ang naging dahilan niya kung bakit nagsasalita siya ngayon tungkol sa naranasan niyang pang-aabuso ilang taon na ang nakalilipas.

Matatandaang nagkaroong ng sexual harassment issue si Gerald matapos ang kanyang pagkapanalo sa “Pinoy Pop Superstar” Season 2 noong 2006.

“Hindi na po lingid sa inyong kaalaman, ito pong issue na lumabas kamakailan lamang po.

“At alam niyo po nung nabasa ko at nalaman ko itong issue na ito, e, talaga naman po ako ay nanlumo at sobrang nalungkot at nasaktan at bumalik po yung trauma sa akin dun sa personal experience ko rin na naranasan,” pagbabahagi ni Gerald.

Baka Bet Mo: Gerald Santos nakisimpatya kay Sandro: I hope he gets the justice

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy ni Gerald, “At ito po ang issue about kay Mr. Sandro Muhlach, at tulad nga nung sinabi ko dun sa post ko ay ang puso ko po goes to the whole Muhlach family and kay Mr. Sandro Muhlach.

“At hindi po madali ang kanyang pinagdaanan. At napakahirap pong mag-stand up kapagka may nangyari sa inyong ganito.”

Hindi naman maiwasan ni Gerald na punahin ang mga nagsasabi at nagpapayo sa kanya na mag-move on na lang lalo na’t matagal na ang kanyang naging experience.

“Ang ganyang mindset ng mga tao ang dahilan kung bakit po natatakot yung mga katulad ko, katulad ni Mr. Sandro, at yung iba pang mga biktima na magsalita.

“Ganun po ba kadali yun na i-reveal? Hindi niyo po personal na naramdaman at naranasan yung naranasan namin kaya ang dali sabihin na ‘move on.’

“And yan exactly noong time na yun, alam niyo noong nireklamo ko ito doon sa network, may mga executives kaming kinausap, ako at si Kuya Rommel [Ramillo], ang aking manager.

“Yan ang statements nila before na ‘move on.’ Even yung mga hindi executives na mga kakilala namin, parang yun yung mindset na mali. Mali po,” sey ni Gerald.

Aniya, kung basta basta lang ba niyang ilalabas ang karanasan na walang lumabas na isyu tulad ng kanyang naranasan sy paniguradong hinsi siya papansinin.

Sabi ni Gerald, “So, this is the perfect time dahil ito ay napapanahon para sabihin ko ito at mag-raise ng awareness, magbigay ng awareness sa lahat na mag-ingat po.

“At para itong mga abusadong mga nakaupo sa kapangyarihan, yung mga mapagsamantala, matakot na rin po sila na aware na, kahit itong mga bagito, aware na sila, alam na nila yung gagawin nila.”

Hangad nga ni Gerald na sa mga paglitaw nilang mga nabiktima ng pananamantala ay magkaroon na ng batas ang kanilang kumpanya para maprotektahan ang mga artista lalo na ang mga nagsisimula pa lang.

“Dahil sila talaga yung prone sa ganitong klaseng gawain. Dahil nga kapag newbie ka, siyempre sunod ka lang sa agos, wala ka pang alam.

“And itong mga executives, mga may kapangyarihan sa kahit saan company, talagang sinasamantala nila yung kanilang power over you,” giit pa ni Gerald.

Kahit na matagal na panahon na ang nakalolipas buhat nang maranasan ng binata ang naturang pang-aabuso ay sariwa pa rin sa kanya ang naranasan sa kamay ng musical director na may konek sa sinalihang show.

At dahil dito ay naging mahirap na para kay Gerald ang i-push ang career dahil naalis siya sa GMA.

“Yung hirap namin na mag-hustle, mag-haggle sa lahat ng possible kong puwedeng maging shows, sa possible kong lahat na puwedeng maging trabaho.

“Kasi nung time na yun, TV lang po ang buhay ng artista or ng singer. Kung wala ka sa TV that time ay good as wala kang career. Nagbalik lamang po sa akin yung struggles din, yung hirap na just to keep my career afloat,” lahad ni Gerald.

Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa manager na nakasama niya sa panahong walang-wala siya.

“Siya yung gumawa ng paraan para ma-keep afloat yung aking career.
“Pero grabe po yung pag binabalikan ko, as in grabe po yung struggles. Napaka-demoralizing, yun po yung aking naramdaman noon. Pero we kept going, hindi po kami naging bitter about it, hindi po kami naging crybaby.

“Kahit i-review niyo po lahat ng mga interviews ko at that time, I wasn’t talking about this. I’m not talking about them, I’m not talking about this issue. I was just talking about my projects, kung may concerts ako noon, kung may album ako lalabas, yun lamang po yung pinag-uusapan namin,” kuwento ni Gerald.

Thankful pa rin naman siya dahil sa kabila ng pagkawala sa network ay nakayanan niyang buhayin ang career.

Sey ni Gerald, “Yun po yung aking naging prinsipyo po at that time, kaya hindi po ako pumayag doon sa gustong mangyari nitong taong gumawa ng hindi maganda sa akin.

“Dahil ako po ay naniniwala sa aking kakayanan, naniniwala po ako sa aking talento, even at that early age. So sana, yun po yung tandaan, yun po yung maipapayo ko sa mga newbie na kung kayo ay may paniniwala sa inyong mga talento, sa inyong mga sarili, hindi niyo po kailangan na gawin yan, na kumapit kayo sa patalim or anything.

“Kung kayo ay talentado, kung kayo ay may karisma, you can make it. And right now, you have all the platforms, you have social media, marami na kayong puwedeng pag-showcase-an ng inyong talento. Kaya hindi niyo po kailangang dumaan sa ganyan, dahil napaka-traumatic and masisira po talaga ang inyong pagkatao, yung self-worth niyo ay mawawala,” payo ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit hindi naman daw niya hinuhusgahan ang mga taong kumakapit sa ganitong pamamaraan.

“But not to judge them, not to judge yung mga ganong mga nagdaan sa ganun, dahil hindi natin alam yung mga pinagdaanan nila.

“Siguro yung iba sa kanila ay nawalan na lang talaga ng choice. My heart goes to you guys,” sey ni Gerald.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending