DAGSA ang mga celebrities na nakikiramay sa mga naulilang pamilya ng yumaong Regal Entertainment matriarch na si Mother Lily Monteverde.
Nitong mga nakaraang araw, nagtungo sa burol ni Mother Lily sa 38 Valencia Events Place ang ilan sa mga artistang pinasikat niya na nakilala rin bilang Regal Baby.
Ilan sa mga namataan sa lamay sina Snooky Serna, Sen. Lito Lapid, Gloria Diaz, Gina Alajar, Rio Locsin at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Isa si Marya sa talagang matatawag na certified Regal Baby dahil sa dami ng nagawa niyang pelikula sa production company ni Mother Lily kung saan humakot din siya ng sandamakmak na awards.
Baka Bet Mo: Joey Reyes durog ang puso sa pagpanaw ni Mother Lily: ‘Ikaw ikalawang nanay ko’
Kung hindi kami nagkakamali, mahigit 100 pelikula na ang nagagawa ni Maricel sa Regal.
Ayon kay Maricel, hindi lang basta producer si Mother Lily sa buhay niya kundi nagsilbi rin itong ikalawang nanay niya sa mundo ng showbiz.
“She’s really like a mother. When she’s mad, she gets mad at me talaga. Pagagalitan talaga ako. Walang mga label-label doon.
“Pagagalitan ka talaga ng nanay mo. Second mom ko talaga siya,” pahayag ng premyadong aktres at movie icon sa panayam ng ABS-CBN.
Pagbabahagi pa niya sa ugali ni Mother Lily, “Kapag maganda naman ang nagawa mo, at okay ang pelikula natin, kakanta siya, ‘Maria went to town. Maria went to town.’ Ganoon ‘yun.”
At kapag wala raw sa mood ang Regal Films matriarch, “Silence is the best. Huwag ka na magsasalita kapag galit si Mother.”
Abot-langit ang pasasalamat ni Marya kay Mother Lily dahil parang tunay na anak din ang naging turing nito sa kanya, “Hindi ako nawawala sa Regal, kahit anong mangyari.
“Kapag kailangan ako ni Mother o ni Roselle (Monteverde, anak ni Mother Lily) nandiyan ako,” sabi pa ng veteran star
Baka Bet Mo: Rendon Labador ‘minalas’, pinagbenta raw ng ticket ang guest band sa grand opening ng negosyo
Ano’ng feeling na isa siyang certified Regal Baby, “Bongga ka! Ang swerte-swerte namin!”
Pag-amin pa ni Maricel sa nararandamang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang nanay-nanayan, “Up to now, I’m still in denial that Mother Lily is gone. Unless I see her really there. That’s a different story, di ba?
“Hindi nagsi-sink in sa akin. Kasi ayoko. Ayoko. Gusto ko pa rin yung ‘Mother, ang datung!’ Yun kasi yung lokohan namin.
“Sobra ang ginawa ni Mother for us. I’m very grateful and thankful dahil si Mother Lily ang napili ni Lord na makasama namin sa matagal na panahon at makatrabaho,” aniya pa.
Narito naman ang message niya para sa mga anak ni Mother Lily, “Para kay Dondon, Goldwin, Sherida, Winston, and Roselle…alam ko napakahirap mawalan. Lakasan lang natin ang loob natin kasi ito will ni Lord sa atin.
“Masasanay din kayo kaya huwag niyo siya kakalimutan kahit anong mangyari. Pero ang alam ko eh, si Father (Remy, yumaong asawa ni Mother Lily), si Mother, sobrang sobrang na kayong mahal.
“Kayo lahat, yung mga anak nila sobra nila kayong mahal. Hindi sila magkakaroon na ganitong empire kung hindi nila kayo mahal. Iiwan nila lahat ito para sa inyo. I love you all,” pahayag pa ni Marya.
Sumakabilang-buhay si Mother Lily nitong nagdaang Linggo sa edad na 84.